top of page
Dennis Trillo at Patrick Garcia - IG - YT Ogie Diaz.jpg

Toyota Hilux, nabawi; 3 hinihinalang carnapper, huli sa Cebu

Writer: BULGAR
BULGAR
16 hours ago
1 min read

by BRT @News | October 5, 2026



3 carnapper kalaboso - PNP Cebu City Police Office

Photo: PNP Cebu City Police Office



Nabawi ng mga pulis ang isang Toyota Hilux ilang oras matapos itong manakaw sa V. Rama Avenue, Barangay Guadalupe, Cebu City noong Biyernes, Oktubre 2.


Kasabay nito, tatlong hinihinalang carnapper ang sunod-sunod na nadakip matapos gamitin ng mga awtoridad ang CCTV footage, field verification at intelligence work para matunton ang kanilang kinaroroonan.


Unang nahuli ang isa sa Barangay Kamputhaw bandang alas-8 ng gabi. Sa kanyang impormasyon, natunton ng mga pulis ang Hilux na nakaparada sa compound ng isang simbahan.


Nasundan naman ang dalawang kasama nito. Nahuli ang isa sa labas ng isang fast-food chain sa General Maxilom Avenue, habang ang ikatlo ay naabutan sa isang guest house sa Barangay Capitol Site.


Narekober din ang susi ng Hilux, isang pulang Toyota Rush at iba pang ebidensya.


Patuloy ang imbestigasyon para malaman kung konektado ang tatlo sa mas malaking carnapper syndicate na kumikilos sa Central Visayas.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page