top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Towns at Toppin, hari sa Slam Dunk at 3 pt. Contest

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 21, 2022
2 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | February 21, 2022





Ipinakita ni Karl Anthony Towns ng Minnesota Timberwolves na magaling din tumira sa labas ang mga higanteng tulad niya at naghari sa MTN Dew 3-Point Contest ng NBA All-Star kahapon sa Rocket Mortgage Fieldhouse. Nagtala rin ng bagong marka ang 6’11” na si Towns ng pinakamataas na puntos sa finals na 29 kung saan dinaig niya sina Luke Kennard ng LA Clippers at Trae Young ng Atlanta Hawks.


Si Towns ang unang sumalang sa finals na hindi natapatan nina Kennard at Young ang kanyang talas sa shooting at kapwa may 26 puntos lang. Si Kennard ang may pinakamataas na iskor sa Round 1 na 25 kumpara sa 22 nina Towns at Young na kinailangan ipasok ang kanyang huling bola upang ihulog si Patty Mills ng Brooklyn Nets na may 21 puntos. Ang iba pang lumahok ay sina CJ McCollum ng Pelicans (19), Desmond Bane ng Grizzlies (18), Fred VanVleet ng Raptors (16) at Zach LaVine ng Bulls (14).


Bumawi si Obi Toppin ng New York Knicks at siya na ang bagong kampeon sa AT&T Slam Dunk matapos pumangalawa noong 2021. Sinamantala niya ang pagmintis ni Juan Toscano-Anderson ng GSW sa finals.


Pumangatlo si kabayan Jalen Green ng Houston Rockets at nagtala lang ng 83 puntos kumpara sa 90 ni Toppin at 87 ni JTA. Nakailang subok bago ipasok ni Green ang unang dunk at 38 puntos lang siya sa scoreboard ng mga hurado na sina Julius Erving, Dominique Wilkins, Clyde Drexler, Isiah Thomas at David Robinson.


Samantala, namayani ang Cleveland Cavaliers na sina Jarrett Allen, Evan Mobley at Darius Garland sa Taco Bell Skills Challenge na nagpakita ng husay sa pasahan at shooting. Pumangalawa ang Team Rooks nina Cade Cunningham, Scottie Barnes at Josh Giddey at 3rd ang magkakapatid na Thanasis, Giannis at Alexandros Antetokounmpo.


Bilang bahagi din ng mga kasiyahan ng All-Star Saturday, lumusot ang Howard University sa Morgan State University, 68-66, sa pinakaunang NBA HBCU Classic.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page