top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Top solo, pakay ng Generals; Aces at Panthers, magbabawi

BULGAR
Apr 9, 2022
1 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | April 9, 2022



Patitibayin ng walang talong Taguig Generals ang kanilang kapit sa solong liderato sa pagpapatuloy ng aksyon sa 2022 National Basketball League (NBL) President’s Cup ngayong araw sa Bulacan Capitol Gymnasium sa Malolos City. Haharapin ng Generals ang walang panalong Cagayan Valley Water Buffalos ng 6 p.m. pagkatapos ng tapatan ng Narvacan Panthers at Paranaque Aces ng 4 p.m.

Kasalukuyang taglay ang kartadang 3-0, depensa ang susi ng Taguig sa mga panalo at sasandal muli sila sa mahusay na laro ng mga nagawaran ng Krooberg Best Player na sina Jonathan Lontoc, Dan Anthony Natividad at Lerry John Mayo at shooter Fidel Castro. Galing ang Generals sa mahalagang 103-91 tagumpay sa noon ay walang talong DF Bulacan Republicans noong Abril 3.

Patuloy ang matalas na shooting ni Dahrrel Caranguian na may 104 puntos sa apat na laro para sa Cagayan Valley subalit kailangan ng tulong upang makaahon sa ilalim ng liga. Natalo lang ang Water Buffalos ng tatlo sa FSD Makati Defenders, 86-89, sa huling laro noong Marso 27 na magandang senyales matapos tambakan ng 50 ng Pampanga Delta, 139-89, noong Marso 26.

Susubukan din ng Aces at Panthers na makabawi mula sa talo at manatili ang pag-asa na mapabilang sa apat na koponan na tutuloy sa semifinals. Sariwa pa ang masaklap na 98-105 talo ng Paranaque sa Quezon Barons sa overtime noong Abril 3 at nasayang ang 31 puntos ni Gabe Capacio at 27 puntos ni JR Olegario. Mga laro ngayong Sabado – Bulacan Capitol Gymnasium, Malolos: 1:30 PM Navy vs. STAN Quezon WNBL; 4:00 PM Narvacan vs. Paranaque; 6:00 PM Cagayan Valley vs. Taguig.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page