top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms

Top 10 Outstanding Kasambahay 2022, binigyang-parangal ng JCI Senate Philippines at Palawan Pawnshop

  • BULGAR
  • Jan 5, 2023
  • 2 min read

ni Fely Ng @Bulgarific | January 5, 2022



Hello, Bulgarians! Ginanap noong Disyembre 2022, ang ikapitong taon ng Kasambahay Kasambuhay Pilipinas Awards, isang pinagsamang pagsisikap ng Junior Chamber International Senate Philippines, Inc. (JCI) at Palawan Pawnshop Group, na pinangalanan ang 10 household workers bilang Top 10 Kasambahay ng taon. Ang bawat mananalo ay makakakuha ng Php100,000.


Ang Top 10 winners ay sina Regimar Cabrera, Rolly Rosero, Edwin Mugdan, Susana Berlas, Milagros Diorec, Myrna Domingo, Daisy Medina, Myrna Gerundalan, Grace Nadine Remetilla at Betty Acibo. Bukod sa Top 10 Kasambahays, ang mga napili para sa ika-11 hanggang 30th place (no minimum years of service required) ay makakakuha ng tig-P10,000 na premyo. Gayundin, 10 sa pinakamaraming liked at shared Facebook posts, ang mananalo ng Php5,000 na premyo.


“We received almost 13,000 entries for most liked and shared Facebook Kasambahay stories. These include various stories of perseverance in the face of hardship, noble sacrifice, and victory over adversity, all with a valiant, exemplary, and triumphant kasambahay in the center of each tale,” pahayag ni Palawan Group CEO Bobby Castro.



Ang Palawan Pawnshop Group (PPG) ay binubuo ng mga produkto at serbisyo, tulad ng Palawan Pawnshop, Palawan Express Pera Padala, Palawan ProtekTODO at PalawanPay. Isang tatak na pinagkakatiwalaan ng mga Pilipino sa loob ng 37 taon, ang PPG ay isa sa pinakamabilis na lumalagong institusyong pinansyal sa bansa. Sa lakas nito sa remittance at pawning services, ang kumpanya na ngayon ang nangunguna sa merkado at industriya na may mahigit 3,300 na sangay sa buong bansa.


Nag-aalok ang Palawan Pawnshop Group ng mga serbisyo ng pawnbroking, domestic at international remittances, microinsurance, bills payment, electronic mobile phone loading, e-wallet cash-in, money exchange, ATM withdrawal at cash disbursement.



Ipinakilala kamakailan ng PPG ang PalawanPay, isang e-wallet app na maaaring magpadala at tumanggap ng mga remittance anumang oras, kahit saan. Ang PalawanPay app ay ang pinakabagong digital na solusyon ng kumpanya para sa mas mabilis, mas ligtas at mas madaling mga transaksyon at nagbibigay sa mga user ng access sa iba pang serbisyong pinansyal tulad ng pagbabayad ng mga bayarin, e-cellphone load, scan to pay QRPH code.


Ang Palawan Pawnshop, Palawan Express at PalawanPay ay pinangangasiwaan ng Bangko Sentral ng Pilipinas. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang Palawan Pawnshop at PalawanPay Websites.

Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page