Tony's Love, hari sa 3rd Imported-Local PRCI Race
- BULGAR

- Nov 24, 2020
- 1 min read
ni Ding Taboy - @Renda at Latigo | November 24, 2020
Naghari sa 2020 Philracom 3rd Leg Imported-Local Challenge Stakes Race ang diremate na Tony’s Love na ginanap noong linggo sa Philippine Racing Club,Inc.(PRCI) sa Naic, Cavite.
Sa mahusay na pagdadala ni jockey P.M Cabalejo dumating ang Tony’s Love na segundo pagsapit sa huling likuan. Sa huling 300 meter inagaw ni jockey Cabalejo ang unahan kay American Factor hanggang sapitin ang finish line.
Dumating na pangalawa ang American Factor, pangatlo ang In the Zone at pang-apat ang Kick the Gear. Tinanggap ng Tony’s Love ang unang premyo na P600,000 at iniuwi ng American Factor ang P225,000 na itinanghal na 2nd place, tumanggap ng P125,000 ang 3rd place na In The Zone at tumangggap ang Kick the Gear ng P50,000 bilang 4th place na puwesto.
Na liyamado ang American Factor sa bentahan at segunda ang nanalong Tony’s Love Tersera ang In The Zone.
Samantala magaganap na ang huling yugto ng Triple Crown sa Metro Manila Turf Club Inc.,(MMTCI) sa Malvar, Batangas sa Nobyembre 29,2020.
Walong kabayo ang maglalaban sa pangunguna ng dalawang beses na nanalo sa 1st at 2nd Leg Triple Crown, ang grand champion ng 2019 Philracom Juvenile Colts and Fillies na ang Union Bell, Sky Shot, 2020 2nd Hopeful Stakes Race at 3 Year Old Locally Bred Stakes race champion, Blazing Bullet, Cartierruo, Lucky Savings, Runway at Winner Bigger.
Nakataya ang P3-M na papremyo na hahatiin sa apat na puwesto na ang magkakampeon ay mag-uuwi ng P1.8-M.




Comments