Roobet Reyes Cup: Team Asia vs. Rest of the World 3.0

ni Eddie M. Paez Jr. @Sports | October 15, 2026

Photo: Isang malaking karangalan para sa bayan na makalawang beses nang nag-host ng world-class nineball tour ang bansa at iyan ang mariing tinukoy ng haligi ng cue sports na si Aristeo "Putch" Puyat ng Puyat Sports bilang pagsang-ayon kay Matchroom Multi Sports CEO Emily Frazer habang nakikinig sina legendary players Francisco 'Django' Bustamante, ang Team Asia Captain, Team captain Rest of the World Ralf Souquet at team owner Efren 'Bata' Reyes sa press conference ng 2026 Roobet Reyes Cup sa Holiday Inn & Suites Makati City kahapon. Idaraos ang torneo ngayon hanggang sa Linggo na sisimulan tuwing ika-7 ng gabi sa Makati Coliseum. (Reymundo Nillama)
Sasargo na ang Reyes Cup 3.0 ngayong Huwebes sa Makati Coliseum at 2 koponan ang magsasalpukan sa prestihiyosong korona.
Ang Team Rest of the World (ROW) na pawang mga higante ng bilyar sa daigdig. Tila "mahina" ang Team Asia dahil sa hindi naisama si World Nineball Tour (WNT) no. 1 Aloysius Yapp ng Singapore at ang malupit ng "Ko Brothers" mula sa Taiwan.
Nasa line-up ng ROW sina Derby City Classic Master of Table Shane Van Boening (USA), hari ng U.S. Open na si Francisco Sanchez Ruiz (Spain), China Open winner Fedor Gorst (Russia), UK Open Pool champion Joshua Filler (Germany) at WNT: Phoenix Open winner Aleksa Pecelj ng Serbia.
Balik sa Asya si Duong Quoc Hoang ng Vietnam pati na sina Carlo Biado at Albert James Manas. Si "Black Tiger" Biado ang kasalukuyang hari ng world 9-ball habang reigning Reyes Cup MVP naman si "Starboy" Manas.
Handog ng Matchroom ang torneo kasama sina U.S. Open finalist Robbie Capito ng HK gayundin si PLP podium finisher at Indon protege Albert Januarta. Umaasa si Team Captain Francisco Bustamante na papatok ang sugal niya Capito at Januarta.
Kampeon ang Team Asia noong 2024 nang ilampaso nito ang Team Europe. Luhod din ang Team ROW noong 2025 sa Reyes Cup 2.0.





Comments