Tons Of Gold, matikas sa KDJM
ni Green Lantern - @Renda at Latigo |October 7, 2022
Nasaksihan ng mga karerista ang tikas ni Tons Of Gold matapos manalo sa KDJM President Engr. Felizardo "Jun" Revilla Stakes race na pinakawalan sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas noong Linggo.
Humarurot sa largahan si Don't Stop Believin para makuha ang unahan nasa pangalawa si Amelia habang ang top favorite na si Tons Of Gold ay pumuwesto sa pang-apat.
Paparating ng far turn ay lumapit na sa unahan si Tons Of Gold na ginabayan ni jockey RD Raquel kaya pagsungaw ng rektahan ay nakuha na ng winning horse ang unahan.
Subalit napalaban pa si Tons Of Gold sa rektahan ng rumemate sa tabing balya si Jawo, hindi naman nasiraan ng loob si Raquel, napanatili nila ang abante kaya nakuha nila ang panalo.
Inilista ni Tons Of Gold ang tiyempong 1:26.8 minuto sa distansiyang 1,400 meter race.
Dumating na segundo si Jawo, tersero si Amelia habang pumang-apat si Don't Stop Believin sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.
Samantala, pitong races ang inihain ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) ngayong araw ng Biyernes kaya naman tiyak na masisiyahan ang mga karerista sa kanilang paglilibang.
Babakbakan agad ang anim na kabayo sa Condition Race (23) na ilalarga sa unang karera, may distansiya itong 1,200 meter race.
Ang mga magtatagisan ng bilis ay sina Batang Heroes, Takdang Panahon, Broadway, Konzeelanz, Sir Jason at Blue Label
Mga Pili ni Green Lantern:
Race 1 - Blue Label (6), Broadway (3)
Race 2 - Jawo (3), Smarty Jas (2), Queensland (5)
Race 3 - Bowties And Charm (1), The Queen (6)
Race 4 - Don Lucas (5), Don Damiano (1), Dollarama (7)
Race 5 - Pendant/Bebang (2/2A), My Way (1), Meghan Maxene (9)
Race 6 - Pagbabago (1), Tito Gene (2)
Race 7 - Seven Of Diamonds (7), Charm Luck (9), Luyang Cave (8), Diez Catorce (4)





Comments