top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Toni, never nang babalikan ang PBB

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 6, 2024
1 min read

ni Rensel Sabando - Trainee @Entertainment | February 6, 2024




Sa pagiging aktibong muli ni Toni Gonzaga sa showbiz kung saan balik-pelikula na siya sa Philippine adaptation ng Korean series na Sassy Girl, maraming nagtatanong na fans kung babalik pa ba si Toni sa sikat na reality show na Pinoy Big Brother na napapanood sa Kapamilya Channel.


Kaya naman, nagsalita na si Toni sa kanyang radio show appearance sa “The Baklitas” na ang hosts ay sina Kapitana Sisa and Tita Cory na nagtanong sa possibility na bumalik sa Kapamilya reality show ang TV host.


Ani Toni, “Feeling ko, may mga bagong magagaling na hosts and it’s their time to shine. Feeling ko, the 16 years that I’ve given sa ‘PBB’, parang ano ‘yun, that was special and memorable in my heart.’’


Si Gonzaga ay isa sa mga kilalang TV host ng PBB mula Enero, 2005 hanggang 2022, ngunit ngayong taon ay nakumpirma na hindi na siya babalik sa show.


Sabi nga niya sa interview ay “Nakaka-miss ‘yung dati kong ginagawa. May miss factor but ngayon, intentional ka na every time you take a project, so mas excited,” wika niya.


Sa ngayon, mas pinagbubutihan ni Toni ang kanyang mga upcoming projects. Isa na rito ang kalalabas lang sa sinehan na My Sassy Girl movie na sumikat sa South Korea, kasama si Pepe Herrera na kilala rin na magaling pagdating sa larangan ng romance-comedy na genre.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page