top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Toni Gonzaga, dapat lang masibak!

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 11, 2022
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | February 11, 2022



DAPAT LANG SIBAKIN SI TONI GONZAGA–May kumalat na balita na sinibak na ng ABS-CBN si Toni Gonzaga bilang host ng Pinoy Big Brother (PBB) kaugnay umano sa pagho-host nito sa proclamation rally ng BBM-Sara (Bongbong Marcos-Sara Duterte) sa Philippine Arena.


Kung si BBM lang ang ikinakampanya ni Toni ay wala namang problema dahil hindi naman Marcos ang nasa likod ng pag-reject sa prangkisa ng ABS-CBN, pero ang hindi kagandahan ay pati kandidatura ni Mayor Sara na anak ni P-Duterte ay ikinakampanya niya.


Kung totoong sibak na nilang main host sa PBB si Toni ay may dahilan ang ABS-CBN na gawin ito dahil libu-libong ordinaryong manggagawa ng Kapamilya network ang nawalan ng pagkakakitaan ng tatay ni Sara, tapos ikinakampanya pa niya? Pwe!


◘◘◘


PEKE ANG IPINAKITANG MALASAKIT NI TONI GONZAGA–Isa sa mga isyung pamba-bash na inabot ni Toni Gonzaga ay ‘yung peke ang ipinakita niyang malasakit sa mga taga-ABS-CBN na nawalan ng trabaho matapos i-reject ng Duterte gov’t. ang prangkisa ng network.


Ito ang post ni Toni Gonzaga noong July 18, 2020 sa kanyang social media account: “Sa lahat ng mga nasa posisyon ngayon, hindi namin makakalimutan ang ginawa n’yo sa mga trabahador ng ABS-CBN”.


Tapos ngayon, ‘yung anak ng nagpabasura sa prangkisa ng ABS-CBN ay iboto raw for vice-president, tsk-tsk-tsk!

◘◘◘


KALOKOHAN ANG SURVEY NG SWS–Naglabas na naman ng survey ang SWS na very good rating kay P-Duterte.


Isang uri ng panloloko sa taumbayan ang survey kasi mantakin n’yo, mahigit 3 milyong Pinoy ang tinamaan ng COVID-19, mahigit 54-K Pinoy na namatay, napakaraming nawalan ng hanapbuhay at naghihikahos ang pamumuhay sa panahon ng pandemya dahil sa kapabayaan ng Duterte gov’t., tapos very good ang rating ni P-Duterte? Buwisit!


◘◘◘


SINO KAYA ANG SUSUPORTAHAN NG MGA DDS KINA JINGGOY VS JV; RIA VS SANDRO?–Matapos iendorso ni vice-presidential candidate Sara Duterte ang kandidatura for senator ni ex-Sen. Jinggoy Estrada, inendorso naman ni P-Duterte ang kandidatura for senator ni ex-Sen. JV Ejercito.


Last year, matapos iendorso ni P-Duterte ang kandidatura ni re-electionist Rep. Ria Farinas ay inindorso ni Sara ang kandidatura ni Sandro Marcos (anak ni BBM) na katunggali ng congresswoman sa 1st district ng Ilocos Norte.


Kaya’t ang tanong: sino kaya kina Jinggoy, JV, Ria at Sandro ang susuportahan ng mga DDS?


Abangan!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page