Toll hike sa SLEX at MCX, start sa Nov. 3
- BULGAR
- Oct 30, 2023
- 1 min read
ni Eli San Miguel - Trainee @News | October 30, 2023

Ipatutupad ng Toll Regulatory Board (TRB) simula sa ika-3 ng Nobyembre, ang pag-angat ng singil sa mga toll fee sa South Luzon Expressway (SLEX) at Muntinlupa-Cavite Expressway (MCX).
Ayon sa TRB, ang pagtaas ng mga singil sa toll fees ay ipapatupad na may dalawang yugto, “to protect the general welfare, curb existing inflationary situation and to mitigate the impact of the toll rate adjustments.”
Ipatutupad ngayong taon ang unang yugto habang ipatutupad naman ang ikalawang yugto sa susunod na taon.
Magkakaroon ng karagdagang P10 para sa mga Class 1, P20 para sa mga Class 2, at P30 para sa mga Class 3 ang dapat bayaran ng mga motorista na naglalakbay mula Alabang patungong Calamba.
Samantala, magkakaroon ng pag-angat na P4 para sa mga Class 1, P6 para sa mga Class 2, at P8 para sa mga Class 3 na dapat bayaran ng mga motorista na naglalakbay mula Calamba patungong Sto. Tomas, Batangas.
Magiging epektibo simula ika-3 ng Nobyembre ang pagtaas ng toll fee.
Comments