TOL: Russian Anisimov bida sa Stage 4, Nikita sa Yellow Jersey
- BULGAR

- 2 days ago
- 2 min read
ni Elyssa Nichole @Sports | May 3, 2026

Photo: Nanguna si Ivan Anisimov ng team LCW UAE Cycle sa stage 4 sa oras na 03:59:41 sa 159 km mula Palayan City hanggang Bayombong, Nueva Vizcaya habang si Emmanuel Montemayor ay nanguna sa 22 puntos sa individual qualification ng MPTC Tour of Luzon kahapon. (mptctolpix)
Bayombong City - Mananatili ang Yellow Jersey kay Russian rider Nikita Shulchenko ng LCW UAE Cycling Team matapos nitong makasabay sa mga tigasing riders sa Stage 4 ng MPTC Tour of Luzon sa Nueva Viscaya.
Hindi rin nagalaw ang puwesto nina Syrian cyclist Ibrahiem Yousef Alrefai at Pinoy rider Emmanuel Dave Montemayor nanatili sila sa second at third placer sa Individual general Classification.
Sina Shulchenko at Alrefai ay magkakampi sa LCW UAE Cycling Team habang nasa Go for Gold Philippines naman si Montemayor sa event na suportado ng Metro Pacific Tollways Corp., Manny V. Pangilinan Group of Companies at Philippine Sports Commission.
Malaking grupo ng mga siklista ang tumawid sa finish line kung saan ay nahablot ng isa pang Russian rider mula sa LCW UAE Cycling Team na si Ivan Anisimov ang Stage 4.
Inirehistro ni Anisimov ang tatlong oras, 59 minuto at 41 segundo sa 165 km Palayan City - Bayombong, Nueva Vizcaya na dumating na segundo si Korean cyclist Jung Hoon Lee ng Seoul Cycling Team habang tersero si Ronnilan Quita ng 7Eleven Cliqq Roadbike Philippines.
Tumawid ng pang-apat sa meta si Antoine Huby ng France mula sa 7Eleven Cliqq Roadbike Philippines habang pang-lima si Landerson Nebres ng Dreyna Orion Cement.
Samantala, hawak pa rin ng Go for Gold Philippines ang tuktok ng Team General Classification, pangalawa ang 7Eleven Cliqq Roadbikes Philippines at pangatlo ang powerhouse Standard Insurance Philippines.




Comments