Together again dahil sa movie… JOSHUA AT JULIA, AMINADONG NA-MISS ANG ISA’T ISA
- BULGAR

- 1 hour ago
- 3 min read
ni Beth Gelena @Bulgary | September 3, 2026

Photo: FB Joshua Garcia
Parehong excited ang dating celebrity couple na sina Joshua Garcia at Julia Barretto (JoshLia) sa muli nilang pagsasama sa pelikulang Always Yours, Never Mine (AYNM) under Star Cinema.
Ayon sa dalawa, na-miss nila ang isa’t isa bilang magkatrabaho.
“Ako personally, na-miss ko lang talaga si Julia. Na-miss ko s’yang katrabaho, na-miss ko ‘yung presence n’ya. Na-miss ko ‘yung mga jokes n’ya,” sambit ni Joshua.
Dagdag naman ni Julia, “Marami kaming jokes sa set. Ako rin naman, ang sarap katrabaho ni Joshua. So reuniting with him on the set is always something I look forward to.
“And this September, mayroon po kaming sorpresa para sa inyo, so stay tuned on Star Cinema’s social media for more updates.”
Ang Always Yours, Never Mine ang kasunod ng 2024 reunion movie ng JoshLia na Un/Happy for You.
May kodigo pa!
MESSAGE NI ANGELINE SA ANNIV NI YENG, KINOPYA LANG SA SINABI SA KANYA NI MARTIN
Pinasaya ni Angeline Quinto ang mga manonood sa 20th anniversary concert ni Yeng Constantino na Biyaheng Bente.
Habang nasa entablado kasama ang mga kapwa-guest performers na sina Erik Santos at KZ Tandingan, nagpakita ng kakaibang aksiyon si Angge nang magbigay siya ng mensahe para kay Yeng.
Bago magsalita, ginulat niya ang lahat nang dumukot siya ng maliit na nakatuping papel sa kanyang pang-itaas bilang ‘cheat sheet’.
“Gusto ko lang mag-message sa kaibigan ko, ha? Yenggay... It is my honor to sing with you,” panimula ni Angeline.
Dahil dito, hindi na napigilan nina Yeng, Erik at KZ ang kanilang pagtawa.
“Akala ko naman kung ano ‘yung dinudukot mo r’yan,” natatawang sabi ni Erik, na sinagot naman ni Angeline ng “From the top!”
Natawa rin si Yeng at napabulalas, “May kodigo ka! Saan mo ‘to kinuha?”
“Seryoso ako! Pakinggan mo muna,” playful na sagot ni Angeline.
Pagkatapos, binasa ng kaibigan ang nakaaantig na mensahe para kay Yeng.
“It is my honor to sing with you as you now start more years of that beautiful, magical voice. Twenty years... wala kang katulad, Yenggay,” pahayag niya.
Agad itong sinalubong ng hiyawan at palakpakan mula sa mga manonood at kasamahan sa pagtatanghal.
“Ba’t parang narinig ko na ‘yung message na ‘yan?” pang-aasar ni KZ.
Inamin naman ni Angge na, “Ito rin ‘yung sinabi ni Sir Martin sa akin last week!”
Kasunod nito, ipinakita ang isang flashback clip ni Martin Nievera na nagbibigay kay Angeline ng parehong mensahe sa kanyang sariling 15th anniversary concert.
Well, ito naman ang totoong mensahe niya, “Thank you, Yenggay na naging bahagi ako ng 20th Anniversary mo. Congratulations @yeng. Sana, marami pa tayong songs na makanta together.
“ILY (I love you), Yenggay. ‘Wag mo sanang kalimutan na galing sa puso ko ang sinabi ko pero mas galing sa nag-iisang Concert King @martinnievera ‘yun.”
Tinanghal na People’s Sexiest Doctor Alive…
DR. MIKHAIL VARSHAVSKI, KUMANTA SA NAKARAANG RELASYON NILA NI PIA
NAGBALIK-TANAW si Dr. Mike o Mikhail Varshavski, sa nakaraang pag-iibigan nila ni Pia Wurtzbach.
Sa kanyang pinakabagong YouTube (YT) vlog, kung saan nakausap niya ang Filipino-Canadian nurse at content creator na si Nurse John, sinabi ni Dr. Mike na nakipag-date siya sa dating Miss Universe noong kasagsagan ng reign nito bilang titleholder.
“You probably don’t know, but I should share some of my history…” ani Dr. Mike.
Sey niya, “I dated Pia Wurtzbach at the peak of her career.”
Agad namang nag-react si Nurse John dahil hindi siya makapaniwala.
“Pia Wurtzbach? Are you kidding me right now?” tanong niya.
Biniro rin niya si Dr. Mike na maaari na itong ituring na bahagi ng Filipino community dahil nakipag-date siya sa isang Filipina.
Samantala, nagsalita si Dr. Mike tungkol sa pagiging ‘well-versed’ niya sa pageantry at sa matibay na sense of community ng mga Filipino.
“You get absorbed into the culture (if you date a Filipino),” aniya.
Noong 2015, si Dr. Mike ang itinanghal na ‘People’s Sexiest Doctor Alive’. After that year, spotted silang sumakay ni Pia sa isang helicopter sa New York City (NYC).
Unang nagkita ang dating magkasintahan sa sidelines ng New York Fashion Week noong February 2016. Ngayon, kasal na si Pia sa businessman na si Jeremy Jauncey mula March 2023.





Comments