top of page

Todo-tipid daw siya sa London… “MILYUN-MILYON KONG TAX, PINAGHAHATI-HATIAN NG MGA GARAPAL NA MAGNANAKAW” — VICE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 days ago
  • 3 min read

ni Ambet Nabus @Let's See | August 30, 2025



Vice Ganda - IG

Photo: Vice Ganda - IG



Pinag-uusapan din ang naging post ni Meme Vice Ganda na kasalukuyang nasa London kasama ang ASAP family for some shows.


Burado na ngayon ang Facebook (FB) post niya with matching photo ng adobo at hotdog na iniugnay sa ibinabayad niyang tax na ine-enjoy lang daw ng mga kurakot sa gobyerno.


Sey nito sa buong post na binura na nga raw ni Vice (pero na-screenshot ng ilang netizen), “Super tipid ako dito sa London kasi ang mahal, kaya namalengke na lang kami nu’ng first day at nagluto dito sa airbnb. Pangatlong araw na naming iniinit ‘tong natirang adobo. Tapos bigla kong naalala ‘yung milyun-milyon kong tax na pinaghahati-hatian ng mga garapal na magnanakaw. Aray koooo!!!!”


Although ‘yung kagayang post niya sa Instagram (IG) ay hindi raw nito binura dahil automatic na nawawala ito within 24 hours.


Isa kami sa mga nag-agree sa kuda ni Vice kaya’t nagtatanong din kami kung bakit niya ito binura?


May katotohanan kaya ang mga tsikang posibleng naisip nitong may mga kaibigan siyang baka mag-react gaya ng nabanggit ng mga netizens na ALONTE political family sa Laguna na sobrang ka-close niya? Or may iba pa?


Kaya pala dagsa na naman ang mga DDS (diehard Duterte supporters) sa pagtuligsa sa kanya na may kinikilingan at kinakampihan dahil umano selective at exclusive ang banat nito.


May mga nagsasabi namang baka nag-iingat lang ito sa posibleng kahinatnan ng kanyang show sa London dahil baka nga iba ang mga Pinoy audience doon kumpara rito sa atin?


Let’s see…



Kahit daw talaga sa socmed (social media) ay makikita mo ang totoong Anne Curtis.

Sa pinag-uusapan kasing reaction post niya on Kapuso Mo Jessica Soho show about flood control issue, sinabi nitong (as is), “When Ma’am @KM_JessicaSoho said, ‘Hindi na pala baha ang magpapalubog aa ating bayan kundi kasikiman,’ Sakit!” then kinorek niya ng ‘kasakiman’ pero hindi ang aa (na dapat “sa”) at ‘kundi’ (hindi “kungdi” o kaya’y ‘kung hindi’), nag-react ang maraming netizens. 


“Nag-iisa talaga s’ya, tatak-Anne ang pagkabulol. Alam mong sa kanya talaga galing ang komento,” sigaw ng mga netizens na sumasang-ayon sa tinuran ng aktres-host.


Isa nga si Anne sa mga artistang consistent sa paggamit ng kanilang platform para pumuna, pumuri at magpahayag ng saloobin nila sa mga isyu sa gobyerno at pulitika. Nakakatawa man ang tatak niyang bulol, ramdam mo naman na sincere at talagang apektado rin siya.


Nakakabilib din nga ang mga gaya nila ni Carla Abellana, swabeng magpahayag pero may impact.



Ex-gov., pinaamin sa pagkakaroon daw nila ng anak… YEN, GAMIT NA GAMIT SI CHAVIT MAPAG-USAPAN LANG



ITO namang si Yen Santos ay papansin talaga.

Noong kasagsagan ng usapin sa kanila ni Paolo Contis, akala mo ay isang napakagaling at super-sikat na aktres ang peg. Nang humupa at nawalan ng interes ang madla, aba’y nag-reinvent via social media vlog.


At nitong huli niyang episode, napaghahalata namang naka-feed kay Manong Chavit Singson ang mga tanong o klaripikasyon niyang nais ipahatid, partikular ang usapin sa pagkakaroon umano nila ng anak.


May mga hand gestures pa siyang nagpapatunay ng pagiging komportable niya kay Manong na ayon pa sa kanya ay close friend ng kanyang parents, kaya niya naging ka-close rin.


Lahat tuloy ngayon ay nag-aabang sa kung ano o sinong celebrity naman kaya ang iinterbyuhin niya para lang mapansin din siya sa socmed (social media) world.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page