Pinauso ng bagong dyowa ni Daniel… HALF BANGS NI KAILA, GINAGAYA NA NG NETIZENS
- BULGAR

- 5 hours ago
- 2 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | January 12, 2026

Photo: File / IG Kaila Estrada
May pinausong hairstyle ngayon si Kaila Estrada na ginagaya ng mga Gen Z. Naaliw sila sa napakataas na bangs ng aktres.
Bumagay naman sa kanya ang hairstyle dahil medyo malapad ang kanyang noo.
Para naman sa iba, sophisticated at pang-fashion model ang kakaibang hairstyle ni Kaila kaya kahit bina-bash siya dahil sa malapad na noo, hindi niya ito pinapansin.
May ilang supporters naman ang aktres na nagsasabing galing umano sa kampo ni Kathryn Bernardo ang mga bashers na naninira sa kanya.
Gayunpaman, ang importante ay kalmado at hindi nagpapaapekto si Kaila Estrada sa mga nanlalait sa kanya.
Ibang naging BF, inamin…
AIKO, ‘DI SINERYOSO SI BISTEK
Nang mag-guest si Aiko Melendez sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA), isa sa mga naitanong sa kanya ng King of Talk ay tungkol sa kanyang love life.
Apat ang kanyang naging seryosong karelasyon. Ito ay sina Jomari Yllana, Martin Jickain, Patrick Meneses at Jay Khonghun.
Nagpakasal sila noon ni Jomari at may isa silang anak. Na-annul ang kanilang kasal nang sila ay maghiwalay.
Nagpakasal din si Aiko kay Martin, pero nauwi rin sa annulment ang kanilang kasal.
Marami naman ang tumutol nang maging karelasyon niya si Patrick.
Pinakamatagal niyang naging boyfriend si Jay na 8 years niyang nakarelasyon. Last year (2025) sila naghiwalay.
Ayon kay Aiko, sa kanyang mga naging boyfriends, si Jomari ang pinakapasaway at sutil. Si Patrick naman ang pinakamayaman.
Pero teka, ang alam namin ay naging boyfriend din ni Aiko Melendez si Herbert Bautista noong mayor pa ang huli ng Quezon City. Hindi ba iyon seryosong relasyon?
Just asking…
ALAM ng buong showbiz ang love story nina Snooky Serna at Albert Martinez during their Regal days. Sila ang may pinakaswak na chemistry on and off camera.
Marami ang kinilig sa kanilang tambalan at umasa ang mga fans na sila ang magkakatuluyan.
Pero aminado si Snooky na marami silang pinagdaanang problema ni Albert sa kanilang relasyon. Para silang aso’t pusa na laging nag-aaway. Muntik na silang magtanan noon matapos ang matinding away habang nasa shooting ng isa nilang movie sa Regal Films.
Naawa rin noon si Mother Lily Monteverde sa kanilang sitwasyon kaya pina-packup niya ang shooting upang makapag-heart-to-heart talk sina Snooky at Albert, pero hindi rin sila nagkatuluyan.
Nakilala ni Albert si Liezl Muhlach, anak ni Amalia Fuentes. Sila ang nagkatuluyan at matagal na nanirahan sa USA.
Sa kabila ng matinding pagtutol ni Amalia, ipinaglaban nina Liezl at Albert ang kanilang pagmamahalan.
Ngunit nagkasakit si Liezl at maagang nabiyudo si Albert Martinez.








Comments