top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Todo-sipsip si Roque kay VP Sara, feeling spokesperson 'yan?!

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 13, 2022
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | October 13, 2022


MARAMI KASING NANALONG KURAKOT AT POLITICAL DYNASTY KAYA BAGSAK ANG FOREIGN DIRECT INVESTMENTS SA 'PINAS—Inanunsyo ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na sa nakalipas na tatlong buwan ay bumagsak ng 64% ang foreign direct investments sa Pilipinas.


Tila masama ang epekto ng pagkakapanalo ng mga kurakot na pulitiko at political dynasty nitong nakalipas na halalan kung kaya't halos wala nang dayuhan na nais magnegosyo sa Pilipinas.


◘◘◘


MIYEMBRO NG ECONOMIC TEAM NG MARCOS ADMINISTRATION PURO NGANGA—Mataas na presyo ng mga bilihin at bayarin, bagsak ang halaga ng preso sa dolyar, nitong buwan ng Agosto 2022 ay kinapos nang mahigit P433 bilyon ang budget ng Pilipinas, tapos tumumal ng 64% ang mga dayuhang mamumuhunan sa Pilipinas.


Hindi joke 'yan kasi apat na bad news 'yan, kaya't dapat magpakitang-gilas na ang economic team ng Marcos administration kasi 100-days na rin sila sa puwesto, pero hanggang ngayon ay "nganga" pa rin sila, wala silang maibida sa publiko na kanilang ginawa para sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng bansa.


◘◘◘


DAHIL SA PANINIPSIP KAY SARA, BAKA SA MAY 2023 MAGING SPOKESMAN NA NG OVP O DEPED SI HARRY ROQUE—Sabi ni dating Presidential spokesman at talunang senatorial candidate Harry Roque, na kung siya ang magmamarka sa 100-days ni Vice-President, DepEd (Dept. of Education) Sec. Sara Duterte-Carpio ay "flat 1, the highest grade ever" ang igagrado niya.


Sa tema ng paninipsip ni Roque kay Sara, asahang pagsapit ng May 2023, mag-a-apply na ito kundi spokesman ng Office of the Vice-President (OVP) ay spokesman ng DepEd.


◘◘◘


KUNG WALANG GAGAWING AKSYON ANG BAGUIO CITY POLICE, DAPAT CIDG O IMEG NA ANG UMAKSYON LABAN SA MGA MANRARAKET—Kung walang gagawing aksyon ang Baguio City Police para dakpin ang mga ilegalistang sina "Patrick" na may raket na "mini-casino" sa Legarda Road at Bokawkan Road; at "Edna" at "Jimmy" na may raket na drop balls at color games sa Magsaysay Road at "Nestor" na may raket din na drop balls at color games sa Kayang Hilltop, pawang sa Baguio City, ang dapat gawin ni PNP Chief Gen. Rodolfo Azurin ay ang CIDG (Criminal Investigation and Detection Group) o kaya ay ang IMEG (Integrity Monitoring Enforcement Group) na ang utusan niyang umaresto sa mga gambling lords na ito.


Mantakin n'yo, malinaw na illegal gambling ang operasyon ng mga ito, na ibig sabihin hindi nagbabayad ng tax sa pamahalaan, tapos dedma lang dito, walang aksyon si Baguio City Chief of Police, Col. Glenn Lonogan para ipaaresto ang mga ilegalista.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page