Todo-sawsaw sa child abuse, ipokrita raw… RESBAK NI LIZA: MAS MARAMING EDUKADO SA USA KESA SA ‘PINAS
- BULGAR

- Sep 9
- 2 min read
ni Ambet Nabus @Let's See | September 9, 2025

Photo: Liza Soberano - IG
Hindi nakaligtas si Liza Soberano sa isang netizen na pumuna sa kanyang post kaugnay ng ‘child protection program’.
Nagkaroon ng typo error sa naturang post na imbes gamitin ni Liza ang salitang “stake” ay ‘steak’ ang nagamit nito.
Ang ending sa pagpuna ng netizen ay ang palitan nila ng message lalo't tinawag na ‘hypocrite’ ng netizen ang aktres. Paano raw kasi, mahirap na i-connect ang concern ni Liza sa pagmamahal niya sa Pilipinas bilang bukod sa USA siya lumaki, tinalikuran na niya ito nang nilayasan niya ang local showbiz.
Porke raw hindi pa ito nagiging big time sa Hollywood kaya’t nakikisawsaw na lang ito sa mga usapin sa bansa.
Dahil dito, sumagot si Liza at sa mahabang tugon niya ay sinabi niyang ang mga gaya ng netizen ang nagsisilbing hadlang para mas maging ‘aware at concern’ ang mga Pinoy sa kanilang kapwa.
Pagkukumpara pa ni Liza na maraming ‘educated people’ sa USA versus Phils., “The Phils, does not have a lot of that. It's people like you that are perpetuating the abuse and lack of accountability.”
‘Yun, oh!
SAMANTALA, mukhang nag-e-enjoy naman sa sea diving si Enrique Gil.
Sa kanyang socmed (social media) account ay nag-post pa ito ng photos and videos ng naging pag-dive niya sa Bohol.
At mukhang nagkakasundo sila ng kanyang diving buddy na si Franki Russell dahil ito nga ang napapadalas niyang kasama lately. In fact, natsitsismis nga silang playing good music together.
Marami namang netizens ang natutuwa sa tila ngayon lang ipinakitang ‘buddy’ ni Quen sa madlang pipol.
“Mukhang tuluy-tuloy na ang pagmu-move forward n’ya,” sey pa ng mga ito.
Sa mga hindi nakakakilala kay Franki, dati siyang Pinoy Big Brother (PBB) housemate sa PBB 8 (2018-2019) at aktres din sa mga pelikulang Laruan, Pabuya, Tag-init, Wish You Were The One (WYWTO), Martyr or Murderer (MOM) at sa napakaraming mga TV shows gaya ng Ang Probinsyano (AP).
Pero pinakanagmarka siya talaga bilang beauty queen from New Zealand. Naging kontrobersiyal dahil nu’ng 2024 na dapat siya ang pambato ng New Zealand sa Miss Universe ay nakansela ang local franchise ng NZ kaya’t hindi siya nakapag-compete that year.
Naging girlfriend din siya ni Diego Loyzaga pero nauwi rin sa hiwalayan.
Well, let’s just be happy for them kung may something more than friendship sa kanila ni Enrique Gil.
MAY bago na ring negosyo si Julia Barretto. Inilunsad na nga kamakailan ang line of products ni gandang Julia under the Viva Beauty na lip conditioners.
Bongga ang philosophy under ng nasabing product na “Less, but better.”
Sa napakasimple ngang ganda ni Julia, halos hindi na nito kailangan ang make-up or what, pero dahil naniniwala siyang ‘essential’ ang kanyang product, “We made sure na affordable, useful, functional at walang harmful chemical na ginamit,” lahad ni Julia.
Dedicated niya sa kanyang younger sibling ang product na siya palang nag-introduce sa kanya kaya’t naengganyo siyang mamuhunan.
“I am not getting any younger. Good thing that Viva Beauty is here to help me,” sey pa ni Julia na tiyak daw na ii-introduce niya sa Dabarkads at mga Eat… Bulaga! (EB) family and the rest ang produkto.
Mukha namang happy and at peace si Julia Barretto though kumpara nu’ng huli namin itong makita, mas pumayat siya ngayon.








Comments