top of page
Sen. Robin Padilla - FB.jpg

Todo-push sa manok sa pagka-presidente sa 2028… SHARON, IN-UNFOLLOW NG FANS DAHIL KAY LENI

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 1
  • 3 min read

ni Nitz Miralles @Bida | May 1, 2026



BIDA - SHARON, IN-UNFOLLOW NG FANS DAHIL KAY LENI-FB Sharon Cuneta

Photo: FB Sharon Cuneta / Leni Robredo



Hindi natakot si Sharon Cuneta na ma-bash nang i-post sa Instagram (IG) ang panawagan kay Naga City Mayor Leni Robredo na i-reconsider ang naunang desisyon na hindi tumakbo sa 2028 elections.


Kung marami ang nag-agree sa post na ito ni Sharon, may mga hindi natuwa. Ilan sa mga komento…


“Bakit ninyo pinipilit si Leni?” 

“Si Risa Hontiveros po ang willing.” 

“No way.” 


“Tapos if she loses? Before, I have always liked you. But now, never mind. Nakaka-disappoint. Toxic na nga ang politics, pulitika pa rin pagdating dito.” 

“Tapos, vice ang asawa mo? Sinabi mo rin ba ‘yan kay Bongbong? I-consider ang asawa mo? Para kanino ba talaga si Kiko?”


May mga nag-unfollow din kay Sharon, pero nanindigan siya sa kanyang panawagan. May mga willing pumunta sa Naga para kumbinsihin si Mayor Leni Robredo na tumakbo sa 2028.





‘Stepdad’, tanggap daw… ASONG BIGAY NI DANIEL KAY KATHRYN, HAWAK NI MAYOR MARK



MAY lowkey paligsahan daw ang ex-couple na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa pagha-hard launch sa kani-kanilang bagong pag-ibig. Obvious daw ito nang sabayan nina Kathryn at Mayor Mark Alcala ang hard launch nina Daniel at Kaila Estrada noong birthday ng aktor.


Kaya ang mga fans, nag-aaway-away kung kaninong hard launch ang mas mataas ang engagement, kung sino ang mas pinag-usapan at kung sino ang mas nag-trending. 

Kung itse-check naman, lahat ng aspeto ay nakuha pareho ng dalawang couples. Nasa fans na lang kung sino ang nanalo sa paligsahang ito, hindi naman ito contest nina Kathryn at Daniel.


Mas umingay pa nang may lumabas na photo si Mark na hawak ang fur baby ni Kathryn na si Snowy, na related kay Daniel. Birthday gift pala ni Daniel kay Kathryn ang doggie nu'ng debut ng aktres. 


Si Snowy ay nanay ng pet dog ni Daniel na si Summer, na namatay na dahil daw sa stress sa breakup ng KathNiel.


Ang biruan, masakit daw kay Daniel na makitang may stepdad na si Snowy, pero dahil sumama at nagpahawak siya kay Mark, ibig sabihin, tanggap niyang stepdad si Mark.


Isyu naman ng mga fans kina Daniel at Kaila, mas nauna raw nag-“I love you” si Kaila kay Daniel doon sa birthday party ng aktor. Itinanggi ito ng KaiNiel fans dahil mas nauna raw nag-“I love you” si Daniel kay Kaila. In fact, hindi lang “I love you” ang ginawa ng aktor, hinalikan nito sa leeg si Kaila at niyakap naman siya ng girlfriend.


Alam ng mga fans nina Kathryn at Daniel ang nangyayari sa dalawa kahit hiwalay na sila. Ibig sabihin, ini-stalk nila ang social media platforms ng bawat isa. Mas ang mga fans ang hindi pa nakapag-move on sa breakup ng KathNiel.





NASA Madrid na pala si Ruru Madrid at hindi lang para magbakasyon ang ipinunta ng aktor doon. Nagsu-shooting ito ng historical drama-adventure movie na Los Salvajes Bravos (LSB) na idinidirek ni Paolo Dy.


Kasama ni Ruru sa movie sina Romnick Sarmenta, Arnold Reyes, Christian Vasquez at Michael de Mesa. 


Nag-training ng Filipino Martial Arts, lalo na ang Laraw Kali Pamuok, si Ruru para sa kanyang role.


Bago lumipad pa-Madrid, bumisita si Ruru sa Tondo bilang paghahanda sa pagbibidahang Hari ng Tondo


Sabi ni Ruru, “Maligayang pagdating sa lugar ng mga pating at leon. Mahal na kita agad, Tondo.”


May tumawag agad kay Ruru Madrid na ‘Bagong Hari ng Tondo’ at masaya rin siyang winelcome ng mga taga-Tondo. 


Tuwang-tuwa ang mga bata sa kanya at may nagbigay pa ng pagkain at nakipagkuwentuhan sa kanya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page