top of page

Todo-push na mag-presidente uli sa 2028 elections… VICE KAY LENI: PRAMIS, MAGPAPAKA-LALAKI AKO TUMAKBO KA LANG

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 53 minutes ago
  • 2 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | May 3, 2026



VIce Ganda at Leni Robredo - FB

Photo: VIce Ganda at Leni Robredo - FB



Todo-kumbinse si Vice Ganda kay Mayor Leni Robredo ng Naga City na tumakbo ulit bilang presidente ng Pilipinas sa susunod na election.


At para pumayag, may ipinangako si Vice kay dating Vice-President Leni.

“Pramis po, magpapaka-lalaki ako, tumakbo ka lang,” sabi ni Vice kay Mayor Leni.


Pumunta si Vice sa Naga City upon the invitation of Mayor Leni.

Isang text lang daw ni Mayor Leni kay Vice ay agad na umoo ang It’s Showtime (IS) host.


Pahayag ni Vice, “Lahat ng panawagan n’yo sa amin, didinggin namin. Sana, dinggin mo rin ang panawagan namin!”


Sa lahat ng mga sinabi ni Vice, panay ngiti at tawa lang ang sagot ni Mayor Leni.

Pagdating ni Vice sa Naga City ay nag-post agad siya sa X (dating Twitter).


Post niya, “Just arrived in Naga. See you, Madam Leni and Madlang Nagueños!”

Tila nabuhayan ng loob ang mga kaalyansa ni Leni na umaasang tatakbo siya ulit sa pagka-pangulo sa 2028 dahil kay Vice.


Sigaw ng mga netizens, “Meme, let’s go! Alam mo na, ha!”


“Please, I hope you can convince her to run as president in 2028. Thank you. Enjoy!”

“Pilitin mo s’yang tumakbo! Please?”

“Convince her na!”


Push nang push kay Mayor Leni Robredo na tumakbo ulit, paano kung siya naman ang mag-request kay Vice Ganda na maging running mate niya sa presidential election sa 2028? Pumayag kaya ito?





Nasa fifth episode na ang napanood namin sa rom-com nina Andrea Brillantes at Enrique Gil sa Netflix, ang A Secret in Prague (ASIP). Aliw na aliw pa rin kami at excited na mapanood agad ang susunod na episode.


Click talaga ang nag-aapoy na chemistry nina Enrique Gil at Andrea Brillantes.

Patuloy na pinag-uusapan ang bago nilang primetime series matapos itong magpakitang-gilas hindi lang sa telebisyon kundi pati sa streaming at digital platforms.


Mula TV screens hanggang online conversations, ramdam ang lakas ng audience response sa seryeng patok sa iba’t ibang klase ng manonood.


Sa YouTube (YT), umabot na sa mahigit 290,000 views ang unang episode ng programa. Sa Netflix Philippines naman, mabilis ding umarangkada ang serye at naging number one TV series sa loob ng dalawang araw. Tuluy-tuloy din ang pagtaas ng online buzz matapos ang pilot episode.


Bukod sa strong numbers, kapansin-pansin din ang positibong feedback ng mga netizens na pumuri sa cinematic visuals ng show, kakaibang Prague setting, engaging storyline, at usap-usapang fresh na tambalan nina Andrea Brillantes at Enrique Gil.


Para sa maraming mga viewers, fresh at world-class ang dating ng serye, patunay na naghahanap ang audience ng bagong klase ng entertainment experience.


Sa patuloy na momentum ng ASIP, mas exciting ang mga susunod na kabanata na siguradong magpapakaba, magpapakilig, at mag-iiwan ng bagong sikreto gabi-gabi.


Tutukan ang A Secret in Prague, weeknights, 8:00 PM sa TodoMax Primetime ng TV5.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page