top of page

Todo-PDA in public… RABIYA, WALA PANG 1 MONTH, SINAKYAN NA SI JAKE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 1 hour ago
  • 3 min read

ni Nitz Miralles @Bida | April 23, 2026



BIDA - RABIYA, WALA PANG 1 MONTH, SINAKYAN NA SI JAKE-IG _rabiyamateo

Photo: IG @rabiyamateo



Maraming bitter sa relasyon nina Jake Cuenca at Rabiya Mateo at parang ayaw ng ilan na maging masaya ang dalawa. 


Kapag may bagong sweet post sina Jake at Rabiya, marami agad ang mga comments.


Gaya na lang ng reels na naka-piggyback ride si Rabiya kay Jake. Panay daw ang PDA (public display of affection) ng dalawa kahit wala pa silang one month. 


Ayon sa iba, hindi magtatagal ang relasyon nila at sa simula lang sweet. 

May comment ding pinuntirya si Jake, na hindi na raw nakakakilig ang mga paandar nito dahil ginawa na sa mga ex niya at magbe-break din naman.


May isang pabor sa kanila na nagsabing “Inggit lang kayo,” na sinundan ng “Both are single, walang problema kung mag-PDA man sila,” at ang nakakaaliw na comment na, “Yuck! Trentahin at kuwarentahin.” 


At least, maraming sumasaya at naiirita kina Jake Cuenca at Rabiya Mateo, kaya tuloy lang ang pagpi-PDA nila.





May magandang rason tiyak ang TV5 kung bakit mas mauuna sa time slot ang A Secret In Prague (ASIP)


Ine-expect na mauuna sa time slot ang My Bespren Emman (MBE) dahil inspirational drama ito. Pero, sa premiere ng two series sa April 27, 2026, mauuna ang series nina Andrea Brillantes at Enrique Gil at susunod ang series nina Shaina Magdayao, JM de Guzman, Ryrie Sophia, Sid Lucero at Ai Ai delas Alas.


Parang pelikula ang promo ng TV5 sa dalawang series dahil bukod sa mediacon, may mall tour at advance screening pa. 


Sumugod ang mga fans nina Andrea at Enrique sa kanilang mall tour at ang mas nakakatuwa, hindi lang sila kumakanta dahil may pa-games pa na lalong ipinag-enjoy ng mga fans.


Kung ang MBE ay inspirational at family drama sa direction nina Derick Cabrido at Jerome Pobocan, romantic-thriller naman ang ASIP na kinunan sa Prague ang ibang eksena nina Directors Barry Gonzalez at Paco Sta. Maria.


Pasok sa Todo Max Primetime Singko campaign ng TV5 ang dalawang series at malaki ang paniniwala ng network na lalaban ito sa rating ng Blood vs. Duty (BVD) ng Kapamilya Channel at Sang’gre ng GMA-7.





BALIK-TELESERYE na si Alden Richards sa Code Gray (CG) at last Tuesday, ginawa ang storycon ng series. Ipinakilala ang cast at directors na makakatrabaho ni Alden at karamihan ay ngayon lang niya makakasama. The series is airing this year.


Gagampanan ni Alden ang karakter ni Dr. Greyson Lazaro, isang surgeon. Ibig sabihin, may mga eksena siya sa operating room, kaya nabanggit niyang kailangan niyang pag-aralang mabuti ang kanyang role.


Makakasama ni Alden sa cast ang idol niyang si Christopher de Leon. Leading lady niya si Andrea Torres at kasama rin sina Romnick Sarmenta, Joross Gamboa, Kristoffer Martin, Christian Bautista, Allen Ansay at Jon Lucas. Kabilang din sa cast sina Faith da Silva at Shuvee Etrata. 


Sina Mark dela Cruz at L.A. Madridejos ang mga directors ng series.

Sa tanong kung how is it working with Christopher, sagot ni Alden, “I’m very excited na makatrabaho ang isa sa mga iniidolo ko. It’s my first time to be working with him.”


Parehong doctor ang roles nina Alden at Christopher at ayon sa huli, hindi mabait kundi may pagka-kontrabida ang kanyang papel. Para raw itong Dr. Jekyll and Mr. Hyde.





SA May 5 pa ang launching ng Star Worx PH, kung saan ipakikilala ang new talents ng TV5 at MQuest Artists Agency. Kabilang dito si Marthena Jickain, anak ni Quezon City (QC) Councilor Aiko Melendez at ng ex nitong si Martin Jickain.


Ang mga fans ang unang nagsabi na part ng Star Worx si Marthena dahil nakita nila ang photo nito na kabilang sa mga nag-graduate sa acting workshop ni Rahyan Carlos. Kinumpirma ito ni Aiko sa Instagram post.


Sabi ni Aiko, “@jickainmarthena is under Mr. M and Ms. Abby Baduj,” at ang Mr. M na tinutukoy nito ay si Johnny Manahan. Pinasalamatan din ni Aiko si Mr. M sa unang fashion show ni Marthena na rumampa sa Bench.


Pero, totoo kayang kabilang din sa ipakikilala si Shaina Magdayao? Ang pinagbasehan ng mga fans ay ang teaser na inilabas ng TV5 na mata, lips at chin lang ang ipinakita. 

May nakita ang mga netizens na kamukha raw ng mata ni Shaina kaya hula nila, lilipat na siya sa Star Worx under Mr. M.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page