Todo-pauso ng mga bagong salita… ISKO, JOEY DE LEON NG EAT BULAGA!
ni Ambet Nabus @Let's See | July 17, 2023

Kung merong Joey de Leon ang E.A.T., meron namang Isko Moreno ang Eat… Bulaga!.
Although “Henyo Master” na matatawag si Kuys Joey, nauuso naman ang mga 'one-liner' ni Yorme para sa show.
Si Yorme ang nag-coin ng mga salitang “joy and hope” o “tulong at saya” para sa GMA-7 noontime show na siya ngayong nagiging tema, slogan o vision ng bagong EB!.
Then, sa isang portion nito kung saan may showcase ng mga talents and skills ang mga hosts ay nauusong banggitin ng mga Kapuso ang patanong na, “HAPPY?” bilang expression sa ginagawa nila.
Very positive ang reception ng live and home audience sa patanong na, “Happy?” na one-liner ni Yorme, kaya’t congratulations po!





Comments