Todo-pasalamat sa ex at bagong dyowa… KATHERINE, IBINUKING NA MAG-ASAWA NA SINA COCO AT JULIA
- BULGAR

- 12 hours ago
- 3 min read
ni Janiz Navida @Showbiz Special | June 17, 2026

Photo: FB Katherine Luna
Aksidenteng nakumpirma ng ex-GF ni Coco Martin na si Katherine Luna ang totoong label ng relasyon ng aktor at ni Julia Montes.
Sa isang FB Live ni Katherine, nag-explain siya sa nag-viral na video sa Facebook kung saan niyakap at hinalikan siya ni Coco nang magkita sila sa story conference ng bagong serye ng aktor, ang Sigabo.
Kinuha kasi ni Coco si Katherine bilang isa sa cast ng serye, at nang magkita nga sila sa storycon, mainit ang naging pag-welcome ng aktor sa kanyang ex-GF.
Pero paglilinaw ni Katherine, bago ang sweet gesture ni Direk Coco (tawag niya sa ex-BF), una muna siyang niyakap nang mahigpit ni Ma’m Julia (tawag naman niya sa bagong karelasyon ng aktor) at agad pa nga raw itong tumayo sa table para salubungin siya nang makitang dumating sa venue ng storycon.
Speechless pa nga raw nu’ng una si Katherine at hindi niya malaman ang sasabihin dahil naiilang siya sa dalawa. Pero nawala nga raw ang awkwardness dahil sa sobrang bait ni Julia at ipinaramdam sa kanya na very much welcome siya sa Sigabo.
Natuwa raw si Julia na tinanggap niya ang role sa serye kung saan madalas magkakaroon ng eksena ang mga karakter nila.
Papuri pa ni Katherine kina Coco at Julia, “Parehas po silang napakabuti sa akin, wala po silang alinlangan. Sino ba naman ako, ‘di ba? ‘Yung mainit na pagtanggap na ipinaramdam-ipinakita nila sa akin, walang katumbas.
“At nagpapasalamat po ako sa MAG-ASAWA. Nagpapasalamat po ako sa kanila at sa lahat po ng bumubuo ng Sigabo, kasi hindi po ako nahihirapang mag-adjust sa kanila.”
Ay, hala, mag-asawa na pala sina Coco at Julia, ‘di tayo na-inform? Charot!
Anyway, nakakatuwa naman talaga ang “mag-asawang” Julia at Coco, napakabuti ng puso nila, kaya no wonder na sobrang blessed sila.
‘Di maaming nagkabalikan na…
KRIS, INE-ENJOY LANG SI KATRINA
KINILIG ang mga netizens matapos maging bukas ang singer-songwriter na si Kris Lawrence sa mga tanong tungkol sa kanyang relasyon kay Katrina Halili, anak nilang si Katie, at sa posibilidad na muling mabuo ang kanilang pamilya.
Sa kanyang pagbisita sa showroom ng Maddox Jewelry ni Charo Cordial, hindi lang alahas ang napag-usapan kundi maging ang personal na buhay ng singer na matagal nang sinusubaybayan ng kanyang mga tagahanga.
Diretsahang tinanong ni Ms. Charo si Kris kung may posibilidad pa bang magkabalikan sila ni Katrina.
Hindi man siya nagbigay ng direktang kumpirmasyon, aminado siyang masaya siya sa kasalukuyang estado ng kanilang samahan.
“Kung anuman ang nangyayari ngayon, I like what's happening. Mas gusto namin na no pressure, go with the flow. Kung anuman ang flow ngayon, gusto ko 'yung flow,” pahayag ni Kris.
Ayon pa sa singer, malaking bagay ang mga pagbabagong nangyari sa kanilang dalawa sa nakalipas na mga taon.
“Ngayon, she's a new person. I'm a different person, too. So now our new persons are getting to know each other's new persons again. So far, so good,” aniya.
Samantala, ibinahagi rin ni Kris ang magandang takbo ng kanilang co-parenting setup para sa anak nilang si Katie. Ayon kay Kris, kapansin-pansin din ang positibong pagbabago sa kanilang anak.
“Nakikita mo talaga ang saya ni Katie ngayon. Iba ‘yung smile niya. Iba ‘yung energy niya,” dagdag pa niya.
Ikinuwento rin ng singer na may mild case ng Autism Spectrum Disorder (ASD) si Katie, ngunit patuloy umano itong nagpapakita ng malaking improvement.
“Super improving. She's very sharp,” pagmamalaki niya.
Sa kabila ng tagumpay sa karera, malinaw na isa sa pinakamahalagang bahagi ng buhay ni Kris ngayon ay ang magandang relasyon nila ni Katrina bilang mga magulang ni Katie.
Bukod sa mga rebelasyong ibinahagi ni Kris tungkol sa kanyang pamilya, karera, at personal na buhay, marami pang masasayang kuwentuhan ang naging bahagi ng kanyang pagbisita sa Maddox Jewelry.
Naging usapan din nila ni Charo Cordial ang ilang paborito niyang alahas, kabilang ang isang espesyal na diamond bracelet na matagal na niyang pagmamay-ari at ang kahalagahan ng tamang pagsusuri sa tunay na halaga at authenticity ng mga jewelry pieces.
Patuloy namang sinusubaybayan ng mga netizens ang mga vlog at online content ni Charo Cordial, founder ng Maddox Jewelry, kung saan tampok hindi lang ang mundo ng alahas kundi maging ang kanyang mga prangka, nakakatuwa at minsan ay nakakagulat na panayam sa iba't ibang celebrity guests.





Comments