Todo-parinig pa si Cayetano kay P-BBM, palpak din naman
ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | June 16, 2022
DALAWANG LINGGO NA LANG SA PODER SI P-DUTERTE, HUMIRIT PA NG UTANG SA WORLD BANK–Dalawang linggo na lang sa poder si P-Duterte bilang pangulo ng bansa dahil bababa na siya sa puwesto ngayong June 30, 2022, pero nagawa pa nitong humirit ng utang sa World Bank (WB) ng mahigit $178 bilyon para umano sa kalusugan ng mga batang nababansot sa Pilipinas.
Dapat talaga isinama sa talaan ng legacy ni P-Duterte ang pagiging palautang niya kasi mantakin n’yo, ibinaon na nga niya sa utang ang Pilipinas, at paalis na siya sa poder ay nagawa pa niyang mangutang na naman, pwe!
◘◘◘
PASARING NI CAYETANO KAY P-BBM, SA KANYA NAG-BOOMERANG–Sablay ang pasaring ni Senator-elect Alan Cayetano kay President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na naiimposiblehan siya sa promise ni P-BBM na gagawin nitong P20 per kilo ang presyo ng bigas.
Kaya natin nasabing sablay kasi sa kanya nag-boomerang ang pasaring nito dahil hanggang ngayon ay pinuputakti siya ng batikos sa social media na kesyo imposible rin ang promise niyang panukalang batas para bigyan ng tig-P10-K ayuda ang mga Pinoy, boom!
◘◘◘
TAMA SI SEN. ROBIN NA WIKANG FILIPINO ANG GAMITIN SA DEBATE SA SENADO–Wikang Filipino umano ang gagamitin ni rank number 1 Senator-elect Robin Padilla kapag nakipagdebate siya sa mga kapwa niya senador.
‘Yan ang dapat para mas maintindihan ng masa ang mga isyung pinagdedebatehan sa Senado, hindi ‘yung English nang English-an ang mga senador sa debate kaya’t karamihan sa mga Pinoy ay hindi naiintindihan kung ano ang pinagdedebatehan ng mga mambabatas, period!
◘◘◘
NOONG UNA JOKE LANG, PERO SA BANDANG HULI PARANG SERYOSO NA SI RUFFA MAE QUINTO NA SUMABAK SA 2025 SENATORIAL ELECTION–Noong una ay joke lang ang sinabi ni comedian Ruffa Mae Quinto na nais niyang tumakbong senador sa 2025 election, pero sa huling interview sa kanya ay tila nagseseryoso na ito kasi ayaw daw niyang kumandidato sa pagiging nominado lang ng partylist, masyadong maraming kalaban at ang gusto raw niya ay Senate kasi sa senador ay malawak ang puwedeng maserbisyuhan.
Kaya’t kung sakaling next year ay may makita na tayo sa social media ng ‘Ruffa Mae for senator movement’ ay isa lang ibig sabihin niyan, kakana talaga siya sa pagka-senador ng bansa, boom!



Comments