top of page

Todo-pakialam sa kanilang mga anak ni Nora… MATET SA MGA BASHERS: ‘DI PUWEDENG KAYO LANG ANG SALBAHE. DURUGAN TAYO!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 6 days ago
  • 4 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | April 20, 2026



SPECIAL - MATET SA MGA BASHERS ‘DI PUWEDENG KAYO LANG ANG SALBAHE. DURUGAN TAYO-IG _misismatet

Photo: IG _misismatet



Sa lahat ng mga anak ni Superstar at National Artist for Film and Broadcast Arts Nora Aunor (SLN), mukhang si Matet de Leon ang pinakapalaban at hindi paaagrabyado kaninuman, lalo na sa mga bashers niya sa social media.


Matapos na may mga bumatikos kay Matet dahil sa inasal daw nito sa mga Noranians nu’ng first death anniversary ni Ate Guy sa Libingan ng mga Bayani, kung saan may mga pumuna sa pagiging dedma at isnabera raw ni Matet, naglabas ng saloobin sa social media ang aktres-entrepreneur para sagutin ang kanyang mga bashers.


Saad ni Matet sa kanyang Facebook post (as is), “‘Yung mga bashers ko ha.. Pag pinatulan ko kayo, huwag kayong mapipikon. Durugan tayo! Let's go! Hindi puwedeng kayo lang ang salbahe. Pareparehas tayong tao lang. Ibabalik ko lang binibigay niyo sa akin.” 


Dagdag pa nito, “Ako sainyo, ayusin niyo kanya kanya ninyong pamilya bago niyo kami pakialamang apat. Magpopost ako weekly ng mga stars natin na bashers. Pansin ang gusto? Papasikatin ko.”


Hindi rin pinalagpas ni Matet ang pagdamay ng ilang netizens sa kanyang mga anak na tulad niya ay nakasimangot daw at nagsuplada sa 1st death anniversary ni Nora. 


Ani ng aktres sa kasunod niyang FB post, “Ayan. Mga ta*ng nandadamay ng mga bata.

Ang inet inet gusto niyo ngumiti mga anak ko? Namatayan ng lola mga yan. Hindi yan party. Hawak ni mishka ang kamay ng lola niya hanggang sa huli. Traumatic at masakit para sa bata. Gusto niyo kumaway kaway??? Ngumiti? Anong nakakatuwa? kung kakilala niyo sila, paki sabi, sikat na sila (may mga nadagdag na!).”


At hanggang kahapon (Linggo) ay mukhang nasa warla mode pa si Matet dahil sabi nito sa kanyang FB post, “Naghahanap ng mga bagong pasisikatin. Day off muna yata nila ngayon. Linggo kasi. Papakabait muna. Bukas na lang uli. Mula ngayon, hindi na kami pupunta sa LNMB pag may okasyon. Day before or day after na lang. Lesson learned.”

Ayan, ginalit n’yo kasi si Matet! Takot ako, eh! Hehe!





Taob sa padir na si Cesar na mas chickboy… 

DIEGO, GAME NANG PAKASALAN ANG NANAY NG ANAK



Tuwang-tuwa si Diego Loyzaga dahil finally daw, sa lahat ng roles na kanyang ginampanan mula nang siya ay mag-artista, ang kanyang karakter bilang Dwayne na kalaban ng bida sa Totoy Bato na si Kiko Estrada, ang nagpahanga sa kanyang amang si Cesar Montano.


Sabi ni Diego nang makapanayam namin sa mediacon ng Totoy Bato para sa finale week nito simula ngayong Lunes, “For once in my life, nakuha ko na ‘yung satisfaction. Sinabi ng tatay ko sa akin, ‘Kaya mo nang makipsagsabayan sa akin, anak. Gawa tayo ng pelikula.’ And natunaw ako nu’n.”


Aminado si Diego na sa nanay niyang si Teresa Loyzaga siya humingi ng tips kung paano maging kontrabida, at hanggang ngayon daw, nasa kanya pa rin ang pressure na mapantayan ang galing ng kanyang amang si Cesar pagdating sa acting at kung anuman ang mga naabot nito sa showbiz.


Ang aminado lang si Diego na pagkakaiba nila ng kanyang ama, mas marami itong naging karelasyon kesa sa kanya. 


Sa ngayon kasi, mukhang nahanap na ni Diego ang true love niya at binabawi na raw niya ang sinabi noon na hindi siya naniniwala sa kasal.


“Oo, binabawi ko na. Nagkaroon ng isang taon, for the past year, isa lang, isang babae lang ang minahal ko,” pag-amin ni Diego, at ‘yun ay ang nanay ng kanyang anak na si Hailey Paige.


Proud si Diego sa lahat ng mga ginawa niya sa Totoy Bato na nasa huling linggo na nga at napapanood tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8 PM pagkatapos ng Frontline Pilipinas with simulcast sa ONE PH.





DIREKTA at walang sugarcoating. Ganito ang ginawang paghimay ni Justice Moreno sa testimonya ng state witness na si Henry Alcantara sa pagdinig ng Sandiganbayan.


Sa gitna ng matinding pagsisiyasat, hindi pinalampas ni Justice Moreno ang halatang kahinaan sa salaysay ni Alcantara, na mas umaasa sa sabi-sabi kaysa sa personal na kaalaman.


Tahasang tanong ni Justice Moreno, “Could it be you were just fed a script?” at hindi ito tumigil doon. 


Sa paulit-ulit na inamin ni Alcantara na wala siyang personal na kaalaman sa mga alegasyon laban kay Ramon Bong Revilla, Jr., iginiit pa ni Moreno, “Ilang beses ka tinuruan?”


Sa isyu ng umano'y 30% kickback, tuluyang bumagsak ang kredibilidad ni Alcantara. Nang hingan ng basehan, inamin niyang wala siyang direktang kaalaman at umasa lamang sa sinasabi sa kanya ni dating DPWH Undersecretary Robert Bernardo. 


Hindi ito pinalampas ni Moreno, "So walang basehan ang 30%. Si Undersecretary Bernardo lang ang nakaisip niyan. Kaya ang pinakamatalino dito ay si Bernardo. On the mere say-so of Bernardo, pumayag ka."


Habang lumalalim ang pagtatanong, nagsimulang lumabas ang mas mabigat na implikasyon: ang mismong pinagmumulan ng paratang — si Bernardo — ay maaaring gumanap ng pinakamalaking papel. 


Ang mga nagmamasid sa pagdinig ay hindi maiwasang magtanong kung sina Bernardo at Alcantara ang tunay na utak at ang pinaka-may kasalanan, at kung sila lang ba ang nakinabang sa mga sinasabing kickback habang ginagamit ang pangalan ng ibang tao.


Sa buong pagdinig, isang bagay ang paulit-ulit na lumabas: walang personal na kaalaman si Alcantara sa anumang direktang koneksiyon ni Revilla at ng mga akusasyon. Sa halip na palakasin ang kaso, lalo pang inilantad ng kanyang testimonya ang mga puwang sa kredibilidad nito—at nagtaas pa ng mga tanong tungkol sa mga tungkulin ng mga taong pinanggalingan ng kanyang mga pahayag.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page