Todo-lafang daw, wa' exercise… KATABAAN NI ANGEL, NILAIT SA DEPED MODULE
- BULGAR

- Nov 15, 2020
- 2 min read
Julie Bonifacio - @Winner | November 15, 2020

Mabilis na kumalat sa social media ang panghihiya sa aktres na si Angel Locsin sa isang module na inihanda ng Schools Division of Occidental Mindoro.
Sa isang page sa section ng Physical Education module ay nakalagay ang isang linya kung saan tinawag na "obese" si Angel.
Nabanggit din sa module ang pangalan ni Coco Martin dahil sila ni Angel ang endorsers ng sikat na fast food chain sa ibinigay na halimbawa.
Narito ang nakalagay sa module, "SITUATION. Angel Locsin is an obese person. She, together with Coco Martin, eats fatty and sweet food in MANG INASAL fast food restaurant most of the time. In her house, she's always watching television and does not have any physical activities."
Diumano, ang gumawa ng module ay nagngangalang Keith Richard O. Firme. Nakalagay ang kanyang pangalan at pirma sa ilalim ng module.
Definitely, inulan ng batikos ang naturang guro pagkatapos kumalat sa social media ang 'body-shaming' illustration na ito kay Angel. At ang balita, deactivated na ang account ng nabanggit na titser.
Sa kabila ng balitang 'to, mas tutok naman si Angel sa pagtulong sa mga nasalanta ng Bagyong Ulysses.
Makikita ang sunud-sunod na posts and tweets ni Angel sa kanyang social media accounts ng mga panawagan ng tulong at kung saan makakakonek ang mga nasalanta para sa kanilang kaligtasan.
Ito naman ang isa sa mga comments na nabasa namin sa Twitter, "First of all, it's not okay to use someone as an example and labeling her "obese", and so what if overweight ka din, it doesn't mean may karapatan ka na din i-body shame si Angel Locsin. If it happened to you, matutuwa ka ba? Gosh, ang bobo lang."
So there.





Comments