top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Todo-kampanya para kay Sen. Bong Go… SIGAW NG NETIZENS: IPE, MABUTING KAIBIGAN PERO ‘DI MABUTING AMA

BULGAR
Sep 21, 2021
2 min read

Updated: Feb 25, 2022

ni Janiz Navida @Showbiz Special | September 21, 2021



Nakakatawa naman, si Sen. Bong Go na pala mismo ang nagsasabing wala siyang balak tumakbong pangulo sa 2022 national elections, pero bakit ikinakampanya na siya nina Phillip Salvador at Robin Padilla?


Pinanood namin ang nai-post na video ni Robin sa kanyang Instagram account kung saan makikitang parang galit na nagtatalumpati si Kuya Ipe at ipinangangalandakan ang mga ‘kabutihang’ nagawa at naitulong ni Sen. Go sa ating mga kababayan.


Caption ni Binoe sa kanyang video post, “Si Kuya Ipe ang larawan ng Mabuting kaibigan Masamang kaaway.


“Panoorin po ninyo at pakinggan ang kanyang talumpati. Walang sinoman ang makapagsasabi na hindi totoo ang bawat binigkas na salita ng hari ng pelikulang aksyon ng Pilipinas.”

Pero imbes na si Sen. Bong Go ang bigyang-pansin ng mga netizens ay si Kuya Ipe ang pinuntirya nila sa kanilang mga comments.


“Sus, daming sinabi… naging mabuting tatay ka ba?”


“Ba’t naman po ang OA naman ni Ipe? Kailangan galit sa speech?”


“Mabuting kaibigan pero hindi mabuting ama.”


At may isang netizen pa na may pa-throwback kuwento tungkol kay Kuya Ipe, “‘Di ba, grabe magsugal ‘yan? I always see him sa casino where I used to work. Gabi-gabi s’ya ‘andu’n. Kahit nu’ng sila pa ni Kris Aquino. Biruan pa nga namin sa work, s’ya umuubos ng milyones ni Kris gabi-gabi sa casino.


“Pero tama din sinasabi ng iba dito, pa’no mo aalagaan taong bayan kung sarili mong anak, hindi mo mabigyan ng oras?”


Naku po! Mag-react kaya si Kris Aquino sa pagdawit sa kanya ng netizen?


In fairness, nananahimik si Kris ngayon, ha?






Wow, 55 years old na pala si Sen. Bong Revilla sa nalalapit niyang birthday sa Sept. 25. In fairness, mukha lang talagang 54 si Sen. Bong. Char!


Uy, pero sa totoo lang, habang nagkakaedad, mas nagiging simpatiko at ma-appeal si Sen. Bong, ha?


Pero buti na lang, habang nagkakaedad, mas nagiging ‘behave’ na rin si Senator, ‘di ba naman, Mayor Lani Mercado? Hehe! Joke lang!


Anyway, katulad last year, sa halip na mag-celebrate kasama ang pamilya at mga kaibigan, mamamahagi ng tulong at papremyo si Sen. Bong Revilla, Jr. sa kanyang kaarawan.


Ibabalik sa Facebook Live ni Sen. Bong ang ‘Kap’s Agimat Birthday Giveaway’ na gaganapin sa mismong kaarawan niya sa Sabado (Setyembre 25) at Linggo (Setyembre 26).


Kagaya ng mga nakaraan niyang pa-‘Amazing Giveaway,” santambak na gadgets (laptop, cellphone at Ipad) ang ipamimigay, dagdag pa ang kabuhayan package at cash prizes para maihatid ang tulong sa taumbayan saanmang sulok ng bansa.


Sa mga interesadong sumali, mag-fill-out lang sa Google form link at isumite ito sa social media account ni Sen. Bong Revilla.


Kailangang mag-subscribe sa kanyang official YouTube Channel at i-click ang notification bell upang masigurong updated sa kanyang pa-giveaway.


Buksan lamang ang https://bit.ly/AGIMATBIRTHDAYGIVEAWAY para sa Google form link.

O, i-follow nang mabuti ang instruction, ‘wag “aanga-anga” para may chance na manalo ka!


Good luck!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page