top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Todo-ingat na, Alwyn… JENNICA, 'DI NA PAPAUTO ULI SA MGA LALAKI

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 6, 2023
  • 2 min read

ni Maricon Nolasco @MarisPluk | September 6, 2023



Dahil sa kinahantungan ng relasyon nila ng kanyang estranged husband na si Alwyn Uytingco at sa dami ng mga pinagdaanan niyang pagsubok sa buhay, mas magiging mapili na raw si Jennica Garcia sa lalaking kanyang susunod na iibigin.


Dalawa na ang anak ni Jennica, kaya hindi lang basta boyfriend ang kanyang kailangan kundi isa ring kabigan at katuwang sa buhay.


Kahit na hindi naging maganda ang paghihiwalay nila ng kanyang estranged husband, naniniwala pa rin siya sa marriage. Kaya lang, hindi pa raw niya nakikita ang kanyang sarili na magpapasakal uli sa ngayon.


Hindi pa raw niya kasi kayang magtiwala ulit nang buung-buo sa isang tao at ibigay ang kanyang sarili. Hindi rin daw niya alam kung kaya pa niyang malampasan ang susunod na kabiguan sa pag-ibig.


Inamin niya na inaasikaso na nila ni Alwyn ang mga papeles para sa pagwawalang-bisa ng kanilang kasal.


Kung dati raw ay 'duwag, sunud-sunuran at minsan ay uto-uto' si Jennica, ngayon daw ay malaki na ang kanyang ipinagbago dahil nakapag-move on na siya at tapos na siya sa tinatawag na 'healing journey'.


Tatlong taon na pala siyang single, kaya struggle na raw para sa kanya ang umibig uli sa isang lalaki. Sa katunayan, nasanay na nga raw siyang manood ng sine at kumain nang mag-isa.


Kung may kakatok daw uli sa kanyang puso, natuto na raw si Jennica at alam na niya kung ano ang kaibahan ng 'red flag' sa 'green flag'. At nagkaroon na rin daw siya ng tiwala sa kanyang sarili.


Hindi rin naging madali ang kanyang 'healing journey' dahil may mental health struggles siya, pero sa tuwing binabalikan daw niya kung paano niya napagtagumpayan ang mga ito ay hindi niya maiwasang matuwa.


Sa ngayon, hindi pa raw game si Jennica na maghanap uli ng bagong pag-ibig at ayaw din daw niyang makipag-date pa dahil mabilis daw mahulog 'yung loob niya.


Hindi na siya puwedeng basta-basta na lang na makipag-date dahil dalawa na rin ang kanyang anak. Kaya ang hinahanap daw siya sa susunod na lalaking magpapatibok ng kanyang puso ay hindi lang mabuting partner kundi kaya rin nitong maging ama sa kanyang mga anak.


Awww! Sana nga ay mahanap na rin ni Jennica ang kanyang ‘forever’ at kayang tatanggapin nang buung-buo ang dalawa niyang anak.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page