top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Todo-hinayang sa dating alaga… OGIE, NALUNGKOT NA WALEY ANG CAREER NI LIZA SA HOLLYWOOD

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 11, 2024
  • 3 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | September 11, 2024



Showbiz News

Nanghihinayang diumano si Ogie Diaz dahil iniwan ni Liza Soberano ang kanyang career dito sa Pilipinas. 


Ayon sa kanya, sana raw ay habang sumasabak ang aktres sa Hollywood, hindi niya iniwan ang career dito sa bansa. 


Hiling din niyang maramdaman muli ang dating Elizabeth Hope Soberano, lalo na’t napabalitang wala na umano sa Careless Management ang aktres. 


Ayon kay Ogie sa kanyang Showbiz Update Channel, nalulungkot siya na hindi naipagpatuloy ni Liza ang kanyang showbiz career dito sa Pilipinas habang itinutuloy nito ang pangarap sa Hollywood.


Aniya, “Pero kung ang pag-uusapan ay ‘yung mga nagawa ni Liza, nanghihinayang lang din ako. Na sana na-continue n’ya ‘yun. Na sana ay itinuluy-tuloy n’ya ang showbiz career n’ya rito sa Pilipinas at ‘yung kanyang dream sa Hollywood ay isinabay lang din n’ya.”

Aminado si Ogie na hindi pa rin nawawala sa kanyang puso si Liza. 


“Minsan, may lungkot, minsan, may kurot. ‘Di pa rin naaalis du’n na sana ay maramdaman ulit namin ‘yung si Elizabeth Hope Soberano, lalo na ‘yung mga taong nakakakilala sa kanya,” sambit pa ng dating manager ni Liza. 


Sampung taon din namayagpag ang career ng aktres dito sa bansa. Nang matapos ang kontrata sa dating manager na si Ogie, naging kontrobersiyal ang kanyang showbiz career nang ilabas niya ang kanyang This is Me vlog na naglalaman ng mga rebelasyon. 

Sinundan pa ito ng kabi-kabilang interbyu na lalong nagpaigting sa mga isyu na umano’y isiniwalat ni Liza Soberano.



Tinawag na "Wedding in the Clouds"…

KALADKAREN, IKINASAL NA SA FOREIGNER BF SA UNITED KINGDOM 


KaladKaren - Niceprint Photography

Ikinasal na sina Kaladkaren at Luke Wrightson sa Raven Hall County sa United Kingdom. Naganap ang seremonya noong ika-8 ng Setyembre, 2024 na dinaluhan ng kani-kanilang pamilya at malalapit na kaibigan. 


Ibinahagi ni Kaladkaren na sa kabila ng hamog, siya ang pinakamasuwerteng babae.

Sa post mula sa Nice Print Photography, inanunsiyo ang magandang balita, “It’s official! Congratulations and Best wishes @kaladkaren and Luke Wrightson. Such a lovely, beautiful intimate wedding at Raven Hall County, United Kingdom.”


Sa Instagram (IG) ni Kaladkaren, ibinahagi niya ang kakaibang karanasan sa kanilang kasal na tinawag niyang “Wedding in the clouds.”


Aniya, “Luke and I dreamed of a beautiful sunny day in this fantastic cliff-top wedding venue in England. It’s supposed to have the best overlooking views in North Yorkshire. On our wedding day, ironically, the views were covered by a thick fog! There was almost zero visibility! What a one in a million chance!”


Sa kabila ng makapal na ulap at hamog, hindi nagpatinag si Kaladkaren sa masayang araw ng kanilang buhay. 


“Unlucky? Not at all. But marrying the love of my life surrounded by our dearest friends and family makes me feel the luckiest woman alive! And hey, who else can say they got married in the clouds?!” dagdag niya. 


At kahit na puno ng hamog at limitado ang tanawin, ang kanilang kasal ay puno naman ng pagmamahal mula sa kanilang mga pamilya at kaibigan. 


Ngayon, opisyal nang mag-asawa sina Kaladkaren at Luke Wrightson at sila’y masayang nagsimula ng kanilang bagong yugto ng buhay bilang Mr. & Mrs. Wrightson. 

Si Jervi Li o mas kilala bilang si Kaladkaren ay isang transwoman na kilala sa pag-impersonate sa respetadong broadcaster na si Karen Davila.

‘Di ba, bongga ang wedding? Pak!



NAPAKA-WORKAHOLIC na ina ni Jennica Garcia. Sa kanyang uploaded video, makikitang may bitbit siyang maraming items para ibenta. Sa kabila ng hirap, matagumpay na nailipat ni Jennica ang lahat ng kailangan niyang ilagay sa trolley. 


In-inform niya ang kanyang mga fans at followers na may live selling siya. Umani naman ng papuri si Jennica mula sa mga netizens dahil sa kasipagan nito. 


Aniya, “Presyong kayang-kaya n’yo ‘to, mga idol! See you bukas, ha?”


Sey ng mga netizens:

“Ano po mga benta n’yo, Miss Jennica?”

“Excited po ako bukas! Order na this!”

“Napakasipag n’yo po, nakaka-inspire.”

“Parang feeling ko magiging kagaya ko si Jennica.”


Ang aktres ay isa nang single mom. Matagal na silang hiwalay ng asawang si Alwyn Uytingco kung saan may dalawa silang anak na babae.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page