Todo-hinayang na 'di nakasama si Da King… ANGEL, FERNANDO POE, JR. MEMORIAL AWARDEE 2020

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | December 27, 2020

Si Angel Locsin ang ginawaran ng FAMAS para sa Fernando Poe, Jr. Memorial Award 2020.
Ayon sa aktres sa kanyang socmed post, "Huge honor to have been chosen as this year’s recipient of the award.
"Alam n'yo po, isa sa mga pinakapinanghihinayangan ko ay ang hindi po ako na-bless na makatrabaho si Da King, ang nag-iisang FPJ. Kaya po ang mahandugan po ng Fernando Poe, Jr. Memorial Award ay napakalaking karangalan po para sa akin. Hindi ko po akalain na makakaabot po ako sa ganitong antas at tinitingala ko po talaga si Sir FPJ," mahabang sabi ni Angel.
Pinasalamatan din ni Angel ang pamilya ni FPJ at ang buong team ng FAMAS.
"Kaya nagpapasalamat po ako, of course, sa Poe family at nagpapasalamat po ako sa lahat ng bumubuo ng FAMAS Digital 2020. Of course, sa MEGAVISION Integrated, ang producer po ng this year's FAMAS," she said. "Maraming-maraming salamat po sa napakalaking karangalang ito. Mabuhay po kayo."
Binigyan din ng special recognition ng 2020 Famas Awards sina Pokwang (Dolphy King of Comedy Award) at Liza Soberano and Matteo Guidicelli para sa German Moreno Youth Achievement Award.





Comments