top of page
Search
  • BULGAR

Todo-enjoy sa bday party ng ex-mayor… PENDANT NI RUFFA, INITIAL NG NAME NI HERBERT

ni Janiz Navida @Showbiz Special | May 13, 2024



Showbiz Photo
File photo: Ruffa Gutierrez

Wala pa ring direktang pag-amin sina Ruffa Gutierrez at former QC Mayor Herbert Bautista sa matagal nang rumored relationship nila. 


Pero tama bang isiping going stronger kung anuman ang namamagitan sa kanila dahil sa latest post ni Ruffa sa kanyang Instagram na kuha sa birthday celebration ni ex-Mayor HB, makikita sa video na sa kanya tumabi ang dating pulitiko nang umupo ito sa table. 


‘Di naman sila nag-holding hands o nagyakapan na parang mga teen-agers pero ramdam mong masayang-masaya silang magkasama dahil napakanta pa si Ruffa sa video. 


Kasama at katabi rin ni Ruffa sina Janice de Belen, Sunshine Cruz at Karla Estrada. 

Well, just wondering lang na kung sina Ruffa at ex-Mayor HB talaga, bakit nga ba until now, wala pa ring pag-amin sa dalawa? 


Kailangan pa ba nilang umupo sa Fast Talk with Boy Abunda para lang tapusin na ang haka-haka ng madlang pipol? 


But wait, hindi nakaligtas sa isang netizen ang suot na pendant ni Ruffa Gutierrez that night na letter ‘H’, ha? 


Komento tuloy ng netizen, initial ito ni Herbert. 


‘Yun na!!!

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page