top of page
Search
  • BULGAR

Todo-emote dahil 'di natuloy ang kasal… ALEX, MAS MASUWERTE PA RIN KAHIT NAGKA-COVID

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | October 27, 2020




Hindi dapat nagsisintir si Alex Gonzaga kung marami sa mga pinlano niyang gawin ngayong Oktubre ay nadiskaril dahil tinamaan siya ng Covid-19, gayundin ang kanyang mommy at daddy, BF-fiancé na si Councilor Mikee Morada at pati ang kanyang assistant.


Nabanggit ni Alex na bukod sa bagong show niya sa TV5, ang Lunch Out Loud, gusto na rin sana niyang matuloy ang kasal nila ni Mikee ngayong Oktubre.


Pero mabuti naman at pagkatapos ng ilang araw na isolation-quarantine, naka-survive naman lahat sina Alex at nag-negative na rin ang kanilang swab test. Kaya naman, masayang-masaya si Alex na ibinalitang COVID-free na silang lahat!


May ilang netizens naman ang nag-advise kay Alex na hindi siya dapat nade-depressed kung nakaranas na magka-Covid. Mas marami pa ang higit na mahirap ang pinagdaraanan. Maaaring may dahilan ang pagkakaudlot ng kanyang mga balak gawin. Baka may mas magaganda pang darating, in God's time. Mangyayari ito kung sadyang nakalaan para sa kanya!

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page