Todo-displey pa sa socmed, LJ… PAOLO, LAGING BUSOG SA PADALANG PAGKAIN NI YEN
ni Nitz Miralles - @Bida | July 11, 2022

Tuluy-tuloy ang pagpapadala ni Yen Santos ng food kay Paolo Contis at sa bagong ipinadala ni Yen, “Chef” ang itinawag sa kanya ng aktor.
Four photos sa harap ng food na ipinapadala ni Yen ang ipinost ni Paolo at may caption na “Everyday shoot... Everyday baon... thanks to my chef.”
May nag-comment na pang-tatlong tao sa dami ang ulam ni Paolo na sinagot nito ng “Ubos ko ‘to lagi.”
Sa larawan, makikita ang adobo, kaldereta, ‘yung isa, parang prito at ‘yung isa ay hotdog at beef steak yata. Dahil galing kay Yen, espesyal lahat kay Paolo ang ipinapadala nito.
Nagsu-shooting si Paolo ng pelikulang Pangarap Kong Oskars kasama si Joross Gamboa at produced ng Mavx Productions. Habang may shooting, tuloy ang pagpapadala sa kanya ni Yen ng food.





Comments