Todo-displey din ng lambingan nila ni Kiko… SHARON, 'PAG GUSTONG MAG-INGAY, TODO-PARAMDAM NA GUSTO NANG MAGBABU SA SHOWBIZ

ni Ambet Nabus @Let's See | May 1, 2024

In na in na naman sa socmed (social media) ang fave nating si Megastar Sharon Cuneta.Ang huling beses na naiulat siya ay nu’ng pupunta si Mega sa States para sa isang posibleng international project.
After that, nabalitaan na lang namin na tila may isyu na naman sila ng anak niyang si KC Concepcion.
Nitong nakaraan ay may pinag-uusapan ang kanyang fandom na may pa-cryptic post umano ito na nagpapahiwatig ng pagreretiro sa showbiz.
Though hindi ito ang first time naming nabalitaan ang naturang isyu, may feeling kaming may pag-iingay na naman si Mega na socmed ang ginagawang venue.
And yes, kasama pala rito ang mga recent posts niyang tila super duper sweet na naman sila ng asawang si Kiko Pangilinan, na balita nating muling tatakbo sa pagka-senador sa darating na 2025 midterm elections.
Hmmm, paulit-ulit na lang ang mga ganitong script, 'noh, hahaha!
Basta, idol pa rin namin si Mega bilang isang singer at aktres.
We don't think na sa ganitong estado niya gugustuhing magretiro sa showbiz. Dala lang siguro ng sobrang init ng panahon ang mga ganyang ganap kay Mega, hahaha!





Comments