Todo-deny pa na kasama si Yen sa Baguio nu’ng time na ‘yun… PAOLO, AUG. 28 DAW NAGPABAKUNA,
BUKING SA IG POST NA AUG. 9 PALA
ni Nitz Miralles - @Bida | September 18, 2021

Ayaw tigilan ng mga “Marites” at “Mosang” (read: mga chismosa) si Paolo Contis at may ipinaglalaban na naman silang petsa na binanggit ng aktor.
Sabi raw kasi ni Paolo sa interview sa kanya ni Ogie Diaz sa vlog nito, malabong nasa Baguio City siya noong August 28 kasama si Yen Santos gaya ng mga nasulat dahil nagpabakuna raw siya sa nasabing petsa.
Kaya lang, nadiskubre ng mga Marites at Mosang na Aug. 9 nagpabakuna si Paolo at ang date na ‘yun ang nakasulat sa mismong post niya sa Instagram habang binabakunahan. Ang post ni Paolo ay “Vakunado! Thank you, Caloocan, magpabakuna na kayo” at nasa ibaba ang date na August 9.
In fairness, maganda ang sinabi ng netizen na nagkorek kay Paolo, baka raw nakalimutan niya ang date ng kanyang vaccination, kaya nila inilabas just to recall his memory. May nag-comment pa na baka nakalimutan nito ang kanyang post, ipinaaalala lang nila.
Kung si Paolo, Baguio City pa rin ang isyu kahit naka-quarantine ito ngayon bago ang locked-in taping ng I Left My Heart in Sorsogon, si LJ Reyes, after rumampa sa New York Fashion Week, nag-post sa IG story na nagwo-workout sila ng anak na si Summer. Para sa netizen, ang caption nitong “And we’re back to regular programming” ay pahiwatig daw na unti-unti na siyang nakakapag-move on sa nangyari sa kanila ni Paolo.





Comments