Todo-deny na P20M ang ginastos… ZEINAB, UMAMING PAPER PLATE ANG GINAMIT SA KASAL NILA NI RAY PARKS
- BULGAR

- Jun 19
- 3 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | June 19, 2025
Photo: Zeinab at Ray Parks - IG
Sumalang for an exclusive interview sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA) ang newlyweds na sina Bobby “Ray” Parks, Jr. at Zeinab Harake last Tuesday.
Sinagot nina Zeinab at Ray ang mga isyu sa naganap na kasalan nila last June 1.
Isa rito ang tsikang buntis si Zeinab noong ikasal kay Ray.
Pahayag ni Zeinab, “No! No! Saan galing ‘yan?”
Itinanong din ni Kuya Boy ang tanong ng mga netizens kung bakit paper plates ang gamit sa napakabonggang wedding nila.
“Kay Ate Toni (Gonzaga),” natatawang sabi ni Zeinab.
Paliwanag niya, “Ano po ‘yun, kaya may paper plate dahil sa cocktail area. May pika-pika kasi after the ceremony, after the fireworks. Para hindi naiinip ‘yung aming mga bisita po at ‘di masyadong magutom. Nag-ready po kami ng pika-pika. So, that’s a pika-pika. Hindi s’ya ‘yung sa reception po.”
Nilinaw din ni Zeinab ang tungkol sa P20 million worth na ginastos nila sa wedding.
“OA (overacting) po… Hahaha! Ako po, nag-comment po talaga ako ng OA. Kasi masyado nilang pinapalaki. Even the cake, P2M na hindi naman po talaga. At hindi rin po umabot ng P20M ‘yung wedding,” esplika ni Zeinab.
Nagbigay din ng kanyang reaksiyon si Ray tungkol sa laki ng budget daw nila for their wedding.
“To be honest, na-humble po ako and blessed at the same time. Kasi po, ganu’n po ang taas ng tingin nila sa amin. Pero ‘yun nga po, hindi naman gumastos ng P20 M. Pero blessed po kami dahil na-present ‘yung elegance and ‘yung wedding na ganu’n,” lahad ni Ray.
Samantala, waiting din ang mga netizens sa kung ano ang paliwanag ng newlyweds tungkol sa pagbabawal na pumunta sa wedding nila ang ina ni Zeinab na si Marife Ocampo. Pero tila umiwas ang bagong kasal na pag-usapan ang tungkol dito.
Nangako naman ang isa’t isa ng katapatan sa kanilang marriage vows.
Sey ni Zeinab, “Forever akong magiging great wife and mom sa aming future kids and sa aming dalawang anak.”
Pramis naman ni Ray, “Nangangako ako na mamahalin kita to the ups and to the downs... I will remain faithful.”
So, there.
Kumpirmado na ang susunod na teleserye ng tambalang Kim Chiu at Paulo Avelino (KimPau). Gaya ng nauna na naming isinulat days ago, it’s a totally different genre na mapapanood sa Kapamilya Network.
New look kumbaga ang inaabangang teleserye ng KimPau, at ito ay ang romance-suspense series na pinamagatang The Alibi (TA), na ayon sa aming source ay isa ring period drama series.
Meaning, ang production ay naka-set in a past era. Kaya asahang makikita sa bagong serye ng KimPau ang metikulosong atensiyon na ibibigay sa historical details sa settings, costumes and social customs.
Kasama sa mga bumubuo ng TA ang mga direktor na sina FM Reyes at Jojo Saguin, writer na si Danica Domingo, at mula ito sa produksiyon ng Dreamscape Entertainment.
Ang TA ang kasunod na proyekto nina Kim at Paulo pagkatapos ng kanilang
matagumpay na mga seryeng Linlang at ang Philippine adaptation ng What’s Wrong With Secretary Kim (WWWSK).
Bumida rin sila sa box office hit movie ng Star Cinema na My Love Will Make You Disappear (MLWMYD).
Abangan ang iba pang mga detalye tungkol sa TA bukod sa eksklusibong impormasyon na nalaman namin sa setting ng bagong proyekto ng KimPau.










Comments