top of page

Todo-deny na kasabwat sa pag-kidnap sa 3 anak nila… RAYMART KAY CLAUDINE: SHUT UP!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 27
  • 3 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | January 27, 2026



BULGARY - RAYMART KAY CLAUDINE_ SHUT UP!l_IG @raymartsantiago & @claubarretto

Photo: IG @raymartsantiago & @claubarretto



Naibalik na pala kay Claudine Barretto ang tatlo niyang anak na sina Sabina, Quia at Noah na ayon sa aktres sa kanyang Facebook Live nu’ng Sabado nang gabi ay kinidnap ng kanyang personal assistant na si Marisol Acap.


Sa programang Fast Talk with Boy Abunda kahapon (Lunes), ibinalita ni Boy


Abunda na ayon sa source ng programa na taong malapit kay Claudine, nakauwi na rin ang tatlong anak ng aktres nu’ng Sabado rin ng gabi matapos magbigay ng ultimatum si Claudine na sasampahan niya ng kidnapping ang PA kapag hindi pa nito naibalik ang kanyang mga anak sa loob ng 15 minuto.


Samantala, naglabas na rin ng pahayag ang kampo ni Raymart Santiago na inakusahan ni Claudine sa kanyang FB Live na nakipagsabwatan diumano sa kanyang PA sa pagkidnap sa tatlo nilang anak.


Nagpadala ng official statement ang mga abogado ni Raymart na binasa ni Kuya Boy sa FTWBA.


Ayon sa nilalaman ng pahayag, “There is no truth to any of the allegations made (by Claudine Barretto), both in the past and recently, more so our client is not in any way or form involved in the kidnapping incident of his children with Ms. Barretto, if there is indeed any.


“While painful and difficult, our client actively refrains from further addressing, dignifying or responding to any of these statements as deference to the gag order issued by the court, which remains in full force and effect to this day. Our client respects the court and has faith that justice and truth will prevail in time.”


Nagpaalala rin ang kampo ni Raymart kay Claudine na tigilan daw ang paggamit sa impluwensiya nito para sirain ang reputasyon ng aktor.


Habang isinusulat namin ito ay wala pa uling pahayag si Claudine sa naging sagot ni Raymart sa kanyang mga binitiwang akusasyon.





Ifinlex sa YouTube channel…

SHARON, IPINAG-SHOPPING SA MALL ANG MGA KASAMBAHAY



Sa bagong vlog ni Megastar Sharon Cuneta sa kanyang YouTube channel ay naka-feature ang mga loyal niyang angels kung saan ipinamili at ipinasyal niya ang mga ito sa isang mall. Ang tinutukoy na angels ni Sharon ay ang mga kasambahay na dekada nang naninilbihan sa kanila.


Sa nasabing video, binalikan ng Megastar ang mahabang kasaysayan kasama ang kanyang mga kasambahay na mas gusto niyang tawaging ‘angels’.


Ayon sa singer-actress, ang ilan sa kanyang mga staff ay kasama na niya simula pa noong nagsimula siya sa kanyang career hanggang sa paglaki ng kanyang mga anak.

Makikita sa video ang kasiyahan ng mga staff habang pumipili ng kanilang mga damit at gamit. 


Matapos mamili ng mga damit, in-encourage pa mismo ng Megastar na mamili rin ang mga angels niya ng mga bags na maaari nilang gamitin.


Ang nasabing vlog ay umani ng papuri mula sa mga netizens na humanga sa pagiging mapagkumbaba at mapagbigay ng aktres sa kanyang mga tauhan.

Sey ng mga nakapanood:


“Sobrang bait n’yo po kaya pinagpala kayo. Ingat po kayo lagi.”

“Ang sarap naman maging staff ng nag-iisang Megastar na si Shawie, napakabait n’ya.”

“Lahat ng kasama ni Megastar ay super-blessed, mabait kasi na tao si Mega.”

“Kay Ma’am Sharon talaga namana ni Miss KC ang kababaang-loob.”

“Sana all!”



Todo-papansin daw para kuning endorser…

SIGAW NG NETIZENS: HEART, SA KALSADA LANG NAMAN SA PARIS RUMARAMPA, MADIR ISINAMA PA



MAY panlalait ang isang netizen sa kanyang opinyon nang isama ni Heart Evangelista ang kanyang ina sa Paris.


Sa Facebook (FB) ng isang netizen ay ipinost ang mga ganap ni Heart at ng kanyang ina sa Paris. 


Aniya, “Grabe! Pang-kanto at kalsada lang naman sa Paris nagpa-fashion show si Heart Evangelista. Isinama pa nanay n’ya.”


Dagdag pa ng isang netizen, “Kung talagang fashion show ang pinupuntahan n’ya, dapat ay nasa runway s’ya. Bakit sa kanto at kalsada lang s’ya kasama ang photographer n’ya? Idinawit pa n’ya ang nanay n’ya sa pagmo-model, sila-sila lang naman.”

May nagtanggol naman sa Kapuso actress. 


Ayon sa isang netizen, “High fashion street style po ang tawag d’yan. It’s a legitimate art form in global fashion. Kayang-kaya ni Heart dalhin sa street ang couture. Classy.”


May isa pang komento, “Audience lang siguro si Heart sa fashion show pero sa paligid ng venue ay maraming photographers kaya sinamantala niya ito para sa endorsements ng kanyang apparel brand. Ang pagsama sa kanyang mama ay maaaring inspirasyon dahil sa Europe, maging ang matatanda ay ginagawang endorsers.”


Mayroon ding nagpahayag ng iba’t ibang opinyon tulad ng…

“‘Di ko maintindihan si Heart.”


“Assuming lang s’ya na international model s’ya.”


“Sinamantala nila ang kanilang kasikatan.”


“Marami namang katulad n’yan sa ukay-ukay.”


Naku, ano kaya ang masasabi ni Heart Evangelista sa mga akusasyon ng mga netizens hinggil sa kanyang pagpa-fashion modelling sa Paris?


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page