Todo-dasal kay Lord na gabayan ang relasyon nila… MAYMAY, SUPER HAPPY NA SOLB NA SOLB SA DYOWA
- BULGAR

- 4 hours ago
- 2 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | February 17, 2026

Photo: Maymay Entrata / Instagram
Super happy ang aktres-singer na si Maymay Entrata sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Joaquin Enriquez. Kitang-kita ito sa kanyang latest post kung saan nagbigay siya ng napaka-sweet na mensahe sa BF.
Sa nasabing mensahe, inilarawan niya na ang pagmamahal ni Joaquin ay hindi bare minimum, hindi pilit at hindi rin kulang.
“Walang kahit sino man ang nakakaintindi how much I appreciate your hard work just to always make me feel extra special. Thank you so much for making me realize na okay lang pala not to settle for the bare minimum, na deserve ko ang effort, consistency, at pagmamahal na ‘di pilit at ‘di kulang,” simula ni Maymay.
“You make love feel safe, intentional, and genuine. I’m so grateful to you mahal for your patience, gentleness, kindness, and all the little things you do na higit pa sa inaakala mo,” patuloy niya.
Hiling ng dalaga kay Lord na gabayan ang kanilang pagmamahalan at sana ay patuloy pang lumawig ang kanilang relasyon.
“May God continue to guide us as we grow our faith in this relationship. May He always be at the center of everything we build together. More days to love, more memories to create, more prayers to whisper together, and more dreams to chase hand in hand. Happy Valentine’s Day my person, Joaquin,” pagtatapos ni Maymay.
Matatandaang isinapubliko nina Maymay at Joaquin ang kanilang relasyon noong Oktubre 2025.
TAOS-PUSO ang pasasalamat ni Primetime King Coco Martin sa patuloy na paghahari ng FPJ’s Batang Quiapo (BQ) sa puso ng mga Pilipino kasabay ng pagdiriwang nito ng mas maaksiyong ikatlong anibersaryo.
Sa ilang social media posts ng Dreamscape Entertainment, ginunita ang anibersaryo sa pamamagitan ng pasasalamat ng mga diehard Kapamilya kay Tanggol sa pagbibigay nito ng aksiyon, drama, saya at inspirasyon sa loob ng tatlong taon.
“Tatlong taon mo na kaming napapasaya, napapahanga at napapaiyak sa bawat eksena,” sabi ng isang ka-Batang Quiapo.
Saad naman ng isa pang manonood, “Maraming salamat sa patuloy na pagbibigay ng inspirasyon at saya sa aming lahat.”
Magmula noong unang episode ng serye, gabi-gabing sinamahan ng mga Pilipino si Tanggol sa kanyang mga maaaksiyong laban at pagsubok sa buhay na may mahahalagang aral na kinapupulutan ng mga manonood.
Sa pagpapatuloy ng pagdiriwang ng anibersaryo, handog ng serye ang makapigil-hiningang bakbakan sa pagbubukas ng linggo kung saan haharapin ni Tanggol ang panibagong misyon na maaaring magbago ng kanyang buhay.
Dapat abangan ng mga viewers ang ratratan sa pagitan nina Tanggol at ng tropa laban sa batalyon ng kapulisan dahil maiipit sila sa engkuwentro nang mangholdap sila ng isang tindahan ng alahas.
Sunud-sunod din ang matinding girian sa serye kapag inanunsiyo na si Tanggol ang totoong nanalo bilang mayor ng Maynila at hindi ang karibal nitong si Miguelito (Jake Cuenca).
Napapanood ang FPJ’s Batang Quiapo tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8 PM, sa Kapamilya Channel, ALLTV2, A2Z, iWant at Kapamilya Online Live.








Comments