top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Todo-biyaya sa confi funds at pork barrel, nganga sa budget para sa centenarians at sped, tsk!

BULGAR
Oct 11, 2022
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | October 11, 2022


DAPAT IKINUKULONG SA CITY JAIL ANG MGA TERORISTA KASAMA ANG MGA KAPWA NILA HALANG ANG BITUKA—Hindi lang sa Pilipinas, kundi laman din ng balita sa iba't ibang panig ng mundo ang pangho-hostage ng tatlong presong miyembro ng Abu Sayyaf Group kay detenidong dating Sen. Leila de Lima sa loob ng custodial center ng Philippine National Police (PNP) sa Camp Crame, Quezon City.


Nakaligtas si De Lima, pero patay ang tatlong hostage taker.


Ang mga terorista ay hindi dapat binibigyan ng "VIP treatment" sa pamamagitan ng pagkulong sa custodial center ng PNP, dapat sa city jail sila ikinukulong para makasama ang mga kapwa nila preso na halang ang mga bituka.


◘◘◘


MAHIGIT P1.235 TRILYON ANG NAPUNTA SA MGA PORK BARREL POLITICIANS AT NALUGI SA MGA GOCCs—Noong October 2, 2022 ay ibinulgar ni Minority Leader Sen. Koko Pimentel na may higit P544 bilyon ang isiningit sa budget ng Department of Public Works and Highways, na ang duda, ang halagang ito ay para sa pork barrel ng mga pro-Marcos-Duterte senators and congressmen, at noong October 8, 2022 ay ibinulgar naman ng Commission on Audit na higit P691 bilyon ang nalugi sa mga tanggapan ng Government-Owned and Controlled Corporations.


Kapag ang halagang 'yan ay pinagsama, P544-B plus P691-B, aba, P1.235 trilyon 'yan.


Ang halagang 'yan ay tungkol sa pork barrel pa lang at GOCCs, hindi pa kasama ang confidential funds at anomalya sa iba't ibang ahensya ng pamahalaan, at sa isyung ito, eh, dapat pa bang i-memorize kung bakit ubod ng yaman ang mga politicians at gov't. officials at parami naman ng parami ang mga naghihirap sa 'Pinas?


◘◘◘


TINANGGAL ANG BUDGET PARA SA MGA CENTENARIANS AT SPECIAL CHILDREN, PERO ANG BUDGET PARA SA PORK BARREL AT CONFIDENTIALS FUNDS, TODO-BIYAYA—Hindi lang ang P100-K cash gift para sa mga centenarians ang tinanggal ng Department of Budget and Management, wala na rin umanong budget para sa edukasyon ng special children.


Kita n'yo na ugali ng mga iniluklok sa poder, tinanggalan ng budget ang para sa centenarians at special children, pero kapag para sa pork barrel at confidential funds, todo-biyaya.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page