top of page
Anjo sa Pinoy Pawnstar.jpg

Todo-banat daw kay Patrick… PAMBUBUGBOG NI DENNIS KAY JENNYLYN, BINUHAY NG NETIZENS

Writer: BULGAR
BULGAR
2 hours ago
4 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | October 13, 2026



Dennis Trillo at Jenylyn Mercado - IG

Photo: Dennis Trillo at Jenylyn Mercado - IG



Hindi pa rin nawawala ang masamang tingin sa aktor na si Dennis Trillo dahil sa breakup nila noon ni Jennylyn Mercado.


Kumalat sa social media ang mga akusasyong binugbog niya ang aktres at may pinagselosan itong babae, na umano’y naging dahilan ng kanilang paghihiwalay.


Pero hindi doon nagtapos ang kuwento nina Dennis at Jenn. Matapos ang una

nilang paghihiwalay, nagkaroon ng anak ang aktres kay Patrick Garcia. 


Noong Enero 2014, muling nagkabalikan sina Dennis at Jenn matapos ang ilang taong paghihiwalay. 


Well, aminado ang aktor na ang mga pagkakamali niya noon ang humubog sa kung sino siya ngayon. Para sa ilang netizens, patunay ito ng self-awareness at character development.


Mula sa pagiging green bone, este, naging green flag na raw si Dennis sa paningin ng isang commenter.


May netizen namang nagsabing hindi nagmalinis ang aktor sa mga pagkukulang niya noon. Inamin daw ni Dennis na may mga bagay siyang nagawa na sana ay hindi na naulit, kabilang ang mga pagkakamaling nakaapekto sa relasyon nila ni Jenn.


Para sa commenter, nakikita rin ang pagbabago ni Dennis sa pakikitungo niya sa kanyang pamilya, lalo na sa pagiging ama at asawa.


Gayunman, hindi lahat ay madaling makalimot sa mga kontrobersiyang kinasangkutan ng aktor. May netizen pa ring nagsabing hindi niya maalis sa isip ang nangyari sa pagitan nina Dennis at Jennylyn.


May mga sumagot naman na kung napatawad na raw ng aktres ang kanyang partner, sana ay mabigyan din ito ng pagkakataong patunayan ang sarili.


Pinuri rin ng ilang netizens ang pakikitungo ni Dennis kay Jazz, anak ni Jennylyn kay Patrick. Para sa kanila, kapuri-puri ang pagtrato ng aktor sa bata bilang sarili niyang anak.


Sa kabila nito, may mga nananatiling kritikal sa mga pahayag ni Dennis sa social media. Para sa kanila, hindi basta nabubura ng pagbabago sa kasalukuyan ang mga nangyari noon.


Heto ang ilan sa mga komento ng mga netizens:

“Never naman nagmalinis si Dennis, inamin n’ya na may mga pagkukulang s’ya nu’ng ipinagbubuntis ng mom (Carlene Aguilar) si Calix.


“Inamin din n’ya na may mga bagay s’ya na sana, ‘di na n’ya nagawa at ‘di na nangyari.

“I guess kaya rin naman malakas ang loob n’ya na magkuda ngayon kasi bukod sa sarili n’ya, eh, his family can attest naman that he is indeed a good father.”


“Sorry, ha, ‘di maalis sa isip ko ‘yung nagkasakitan sila ni Jenn before. Nakaka-turn off si Dennis. Pareho lang sila ni Patrick.”


“Napatawad na s’ya ni Jenn, sana ikaw din, mapatawad mo na si Dennis. Nakita mo naman ang ginagawa n’ya sa pamilya nila ni Jenn ngayon.”


“Dennis is way much more of a man, kasi itinuring n’ya si Jazz na parang anak, at walang narinig na negative sa kanya o whatsoever about Jazz, kaya hands up talaga ako sa kanya as husband & father.”


“Bakit kaya si Patrick, never nag-admit na may mga mali s’ya at never ding humingi ng tawad? Diyos ko!”


“Ang ganda ng pagiging stepdad n’ya (Dennis) at ang pag-aalaga sa anak ng iba na itinuring n’yang parang sarili n’yang anak (Jazz).”





Tinupad ng Star for All Seasons na si Vilma Santos-Recto ang pangako sa aktor-direktor na si Edgar ‘Bobot’ Mortiz. 


Sa repeat concert ng Goin’ Standard, hindi lang basta dumalo si Ate Vi kundi nakipagsayawan at nakipag-duet pa sa dati niyang ka-love team.


Hindi nakadalo si Vilma sa unang pagtatanghal noong Hunyo dahil nasa Japan siya. Pero nang malaman niyang magkakaroon ng repeat, tiniyak niyang present siya sa pagkakataong ito.


Masayang sinalubong ng audience ang muling pagsasama ng dalawa, na matagal ding hindi nasilayan nang magkasama sa entablado.

Pinuri ni Vilma ang dating ka-love team. 


“Ang galing pa rin ni Bobot. Grabe!” sey niya.


Hindi naman pinalampas ni Bobot ang pagkakataong biruin ang aktres. 


“Alam mo, Vi, dalawang babae lang ang malapit sa puso ko. Dalawang babae lang ang naging girlfriend ko. Si Vilma at saka ang misis ko,” kuwento ni Mortiz, na 49 taon nang kasal sa asawang si Millette Santos.


“Pero tingnan n’yo, bumagsak din s’ya sa Santos,” nakangiting banat ni Vilma.

Nagpasalamat si Mortiz sa pagdalo ng aktres at wish nito na mag-duet silang muli sa susunod.


“Vi, maraming-maraming salamat. Sana next time, duet naman tayo,” aniya.

“Dancer ako, Bot,” nakangiting sagot ni Vilma.


Hirit naman ni Bobot, “Isa ngang swing d’yan.”

“Patay kang bata ka!” sagot ng aktres bago nakisabay sa tugtog.


Sa saliw ng Manila Philharmonic Orchestra, sumayaw ang dalawa sa Sway ni Michael Bublé. Lalo namang nag-ingay ang audience nang muli silang magsama sa pagkanta ng My Pledge of Love, ang awiting matagal nang iniuugnay sa kanilang tambalan.


Hindi lamang ang kanilang mga fans ang natuwa sa pagtatagpong iyon. Nasiyahan din ang mga concertgoers sa natural na biruan at chemistry nina Vi at Bot.


Samantala, sa Goin’ Standard, naghatid din ng pagtatanghal ang iba pang guests na nakatrabaho ni Mortiz sa showbiz. Nagkaroon din siya ng espesyal na musical moment kasama ang kanyang anak at nag-alay ng awitin sa asawang si Millette.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page