Todo-asang magkakayos pa sila ng ex-GF… "BEA'S A BEAUTIFUL PERSON INSIDE AND OUT" — DOMINIC
ni Nitz Miralles @Bida | February 9, 2024

Nagkaroon ng pag-asa ang mga nagmamahal kina Dominic Roque at Bea Alonzo nang mag-post ang aktor sa reels ng photos nila ni Bea in their happiest time at nu’ng sweet sila. May isa ngang photo na nagki-kiss sila habang nasa isang boat. May mga solo pics pa si Bea na ipinost ni Dominic.
May isang photo ng dalawa na naka-focus lang kay Bea, nasa eroplano sila at magka-holding hands. May isa pang photo na nakahilig si Bea sa balikat ni Dominic at pareho silang nakangiti.
Caption ni Dominic sa reels, “Bea’s a beautiful person inside and out... no hate/
bashing/negative things please...”
Iba’t iba ang reactions ng mga netizens sa reels post na ito ni Dominic, na parang umaasang maaayos nila ang kanilang problema at matutuloy ang kasal hindi man ngayong taon.
May mga negatibong komento na papansin lang daw sina Bea at Dominic at gumigimik.
Dagdag pa ng netizen sa comment, may ayaw sa second chance.
Pero, sinisisi pa rin si Bea bilang dahilan ng breakup nila ni Dom at may mga sumisi rin kay Dom.
Ang napansin namin, ang daming pala-desisyon sa atin, wala naman tayong alam at hindi naman tayo close sa dalawa para pakialaman ang kanilang desisyon.





Comments