Todo-asa raw na babatiin ng aktres, todo-banat naman… KIM, INI-REPOST ANG SINABI NG FAN NA KAPALMUKS SI OGIE DIAZ
- BULGAR
- 5 hours ago
- 2 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | June 30, 2026

Photo: Kim Chiu - IG
Naglabas na ng reaksiyon ang aktres-host na si Kim Chiu sa mga isyung ibinabato sa kanya.
Sa kanyang account sa X (dating Twitter), nagparamdam si Kim sa gitna ng kanyang katahimikan sa mga namba-bash sa kanya.
Ini-repost ni Kim ang mensahe ng isang fan para sa kanya. Nilagyan ni Kim ng folded hands at sparkle emojis ang ini-repost niyang mensahe. Ang dalawang emojis ay nagre-represent ng positivity at gratitude.
Sa mensahe ng faney ni Kim, tila ito na rin ang tugon niya sa mga naghihintay na pumutak ang It’s Showtime (IS) host sa pagsasabong sa kanila ni Ryzza Mae Dizon ng Eat… Bulaga!.
Post sa X ng fan ni Kim, “Dearest Kimmy @prinsesachinita,
“Why are you so kind? You are the exact embodiment of the saying, ‘When someone throws a stone at you, throw back bread.’
“You respond to hostility with kindness and repay evil with blessings. What if just once, you threw a stone back at them? But that’s not you, and I wouldn’t wish for you to be like that. You once said, ‘And I’m also blessed with the heart that I have.’
“You are indeed blessed with a heart that is kind, loving, and compassionate. Your heart finds joy in offering selfless love, in sharing your material blessings, and in seeing people with happy faces.”
Bukod dito, ipinost din ni Kim ang reaksiyon ng kanyang fan sa akusasyon sa kanya ni Ogie Diaz.
Repost ni Kim sa X: “Kapalmuks (ang kapal ng mukha) ni OD na mag-expect na babatiin s’ya ni Kim, eh, puro paninira lang naman ginagawa n’ya sa kanya. Expect n’ya magiging chummy-chummy si Kim sa kanya? The nerve.”
“RESPECT BEGETS RESPECT. Eh, ano ngayon kung 1992 ka nag-start?! Bakit ka rerespetuhin kung ‘di mo naman deserve?”
Reaksiyon naman ng isa pang fan ng aktres-host, “Hahaha! Love this #KimChiu’s repost! She speaks up her mind and makes everyone know her stand! Go @prinsesachinita! We will support you all the way.”
Iba talaga ang Kim Chiu fandom.
Anak nina Manny at Jinkee…
MOMMY D., PINAYUHAN SI QUEENIE NA ‘WAG MUNANG MAG-BOYFRIEND
PINANGARALAN ni Mommy Dionisia Pacquiao ang kanyang apo na si Queenie bago siya umalis sa Amerika pauwi sa ‘Pinas. Sinabihan niya ito na huwag munang magkaroon ng boyfriend.
Si Queenie ang bunsong anak na babae nina Manny at Jinkee Pacquiao.
Nagkita ang mag-lola sa Amerika para sa kasal nina Jimuel Pacquiao at Carolina Pimentel.
May nakapagsabi raw kasi na may boyfriend na ito kaya pinangaralan ni Mommy D ang apo na huwag munang makipagrelasyon.
Well, inokray ng mga netizens si Mommy D sa pangaral niya kay Queenie.
“Ikaw, Mommy D, nakipag-live-in sa batambata.”
“Hahaha! ‘Wag ka mag-boyfriend. S’ya lang ang may karapatan, Queen.”
“Mommy, ‘di n’ya ma-enjoy ang buhay-dalaga n’ya, eh.”
For sure, concerned lang si Mommy D sa apo niya, ‘di ba?

