Tocque Bell, mapapalaban kay Hook On 'D Run
- BULGAR
- Jan 23, 2022
- 1 min read
ni Green Lantern - @Renda at Latigo | January 23, 2022
Malalaman ang husay ni Tocque Bell sa karera pagsalang nito sa PHILRACOM Rating Based Handicapping System ngayong araw sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas.
Makikilatis si Tocque Bell kontra siyam na kalahok sa distansyang 1,400 meter race kung saan may added prize na P25,000 ang ikakalat sa unang apat na kabayong tatawid sa meta.
Gagabayan ni former Philippine Sportswriters Association (PSA) Jockey-of-the-Year awrdee Jessie B. Guce, inaasahang magiging mahigpit na kalaban ni Tocque Bell ay sina Hook On D Run at Stripes Of Red.
Ang ibang kalahok ay sina Aliwagwag Falls, Phenom, A.P. Factor, Top Attraction, One Fifteen, My Only Treasure at Tempered Beauty.
"Magandang bakbakan sigurado ang mapapanood dyan, magagaling ang mga kasali," saad ni Fidel Calixto, karerista.
Hahamigin ng winning horse owner ang karagdagang premyo na P5,000 sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.
Inaasahang aabangan din ng mga karerista ang bakbakan ng 10 kalahok sa isa pang PHILRACOM Rating Based Handicapping System na ikakasa sa 10th at final race.
Tiyak na suportado ng mga liyamadista ang Viva Forever na rerendahan ni jockey RF Torres sa distansyang 1,400 meter race.
Posibleng magbigay ng magandang laban sina Easy Landing at Moves Like Jagger sa event na nakalaan din ang P25,000 added prize para sa first four finishers.
Hahamigin ng winning horse owner ang P5,000.
Maliban kina Easy Landing at Moves Like Jagger ang ibang aarangkada ay sina Crazy Collin, Prince Uno, Full Combat Order, Adobo Country, Summer Cruise, Rogue Nation at El Mundo.





Comments