TNT-Gilas Team, susubukin ng Hotshots sa PBA Game
ni Gerard Arce - @Sports | February 11, 2022

Tatangkain ng Magnolia Pambansang Manok Hotshots at Meralco Bolts na mapanatili ang malinis na kartada sa pagpapatuloy ng naantalang PBA Governor’s Cup dahil sa COVID-19 surge kontra sa FIBA World Cup Asian window representative na TNT Tropang Giga at mainit na NLEX Road Warriors, ngayong Biyernes ng hapon sa Smart Araneta Coliseum.
Sa main game ang rematch ng Hotshots at TNT ng 6 p.m. tampok ang beteranong si Rafi Reavis at bagong recruit na si Adrian Wong katulong ang local trio nina Paul Lee, Ian Sanggalang at Calvin Abueva, gayundin ang do-it-all import na si Mike Harris, habang ipaparada ng Giga na sina Matt Ganuela-Rosser kasama ang mga Gilas Pilipinas bounds Roger Pogoy, Poy Erram, Troy Rosario at Kib Montalbo at veterans Jayson Castro, Kelly Williams Brian Heruela, super-rookie Mikey Williams at import Aaron Fuller.
“Talagang we're on a mission eh,” wika ni Hotshots coach Chito Victolero. “Credit to the players for the good start because talagang nagtrabaho sila. And the chemistry was very good.”
Hindi man agarang inaasahan na magiging parte ng FIBA Asian window kasama ang Gilas Pilipinas youth squad, nakapagsimula ng kanilang bubble training ang TNT noong Pebrero 1 na ikinagulat ang dagdag responsibilidad na hawak ni coach Chot Reyes bago magtungo ng Lipa, Batangas.
Matapos mapunta si John Pinto sa Gin Kings, nakasungkit ang Bolts ng dating league All-Star at ABL champion na si Chris Banchero para tulungan sina Chris Newsome, Allein Maliksi, Raymond Almazan, Reynel Hugnatan, Cliff Hodge Bong Quinto at import Tony Bishop at itapat sa scoring machine na si KJ McDaniels, at locals na sina Kevin Alas, rookie Calvin Oftana, Jericho Cruz, JR Quinahan, Mike Miranda, Marion Magat at Gilas Player Matt Nieto.





Comments