top of page
SHEET Lisensiya, suspendido, nag-chopper pa-LTO… LACANILAO KAY GEO ONG- MAGING GOOD EXAMPL

Tiyuhin, sapul din... 14-anyos niratrat ng nakamotor, todas

Writer: BULGAR
BULGAR
14 hours ago
1 min read

by Mai Ancheta @News | November 24, 2026



Tiyuhin, sapul din... 14-anyos niratrat ng nakamotor, todas

Photo: File



Patay ang isang 14-anyos na binatilyo habang sugatan ang 23-anyos na tiyuhin nito at isang babaeng bystander makaraang barilin ng isang nakamotorsikl sa Brgy. Parian, Calamba City, Laguna alas-11 ng umaga nitong Linggo.


Nakaangkas umano sa  motorsiklong minamaneho ng tiyuhin ang biktima nang pagbabarilin sila ng hindi nakilalang salarin.


Mabilis na isinugod sa ospital ang mga biktima subalit hindi nakaligtas ang binatilyo.

Sugatan din ang isang 40-anyos na factory worker sa insidente na nagkataong nasa lugar nang mangyari ang pamamaril.


Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Calamba City Police sa insidente at nire-review ang mga CCTV sa lugar para matukoy ang gunman at motibo sa pamamaril.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page