top of page

Tiyak na maghahalo ang balat sa tinalupan ‘pag nagkaroon ng ‘no-el’

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 11, 2022
  • 1 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | January 11, 2022



KAPAG NAGKA-‘NO-EL’, TIYAK NA MAGHAHALO ANG BALAT SA TINALUPAN–Nagbabala si Senate Pres. Vicente “Tito” Sotto na maaaring magkaroon ng nationwide protest kapag nagpairal ng no election ang Duterte gov’t..


Aba, may pinaplano ba talagang ganun? Hindi kasi magsasalita nang ganyan si Tito Sen kung walang plano.


Naku, ‘yan ang huwag gagawin ng gobyernong Duterte kasi tiyak na maghahalo ang balat sa tinalupan, period!


◘◘◘


MAY ISYUNG ‘NO-EL’ NA, MAY ISYU PANG GAWING 10 YEARS ANG TERMINO NG PANGULO–Matapos ihayag ni Tito Sen ang isyung ‘no-el’, bigla namang humirit ang kaalyado ni P-Duterte na si Pampanga 3rd Dist. Rep. Aurelio Gonzales na dapat gawing 10 taon na ang termino ng pangulo na limang taon kada termino at may re-election na dagdag pang limang taon, dahil maikli ang anim na taon sa mabuting pangulo.


Maikli talaga ang anim na taon para sa ‘good president’, pero napakatagal nang 10-taon para sa ‘bad president’, boom!


◘◘◘


PAGBABAHAY-BAHAY NG MGA KUBRADOR NG STL-CON JUETENG AT PERYA NG BAYAN-CON JUETENG, ISA SA MGA DAHILAN NG PAGDAMI NG KASO NG COVID-19–Walang duda na ang isa sa mga dahilan ng pagdami ng kaso ng COVID-19 ay ang iba’t ibang uri ng pasugalan.


Magbahay-bahay ba naman para magpataya ang mga kubrador ng STL-con jueteng sa Metro Manila at mga kubrador ng perya ng bayan-con jueteng sa Pangasinan, Cavite,Rizal, Laguna, Aklan at Cebu, eh, isa lang ang mahawaan ng virus sa mga ‘yan ay walang duda, darami talaga ang mga magkaka-COVID, boom!


Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page