Titser, binugbog ng 2 estudyante sa loob ng iskul
- BULGAR

- 1 day ago
- 1 min read
ni Mai Ancheta @News | July 29, 2026

Photo: Viral / Circulated
Viral ang isang video kung saan nakunan ang panununtok ng dalawang estudyante sa isang lalaking guro sa loob ng Elizalde National High School sa Maco, Davao de Oro nitong Lunes.
Batay sa report ng Maco Police Station, ini-report ng guro ang sinapit sa dalawang estudyante habang nasa gym at recess.
Ayon sa guro, nagalit sa kanya ang isang Grade 10 matapos pagsabihang bawal ang pagsusuot ng hikaw dahil polisiya ito ng paaralan.
Tinangka umanong suntukin ng estudyante ang guro subalit naawat ng ibang mag-aaral. Gayunman, sinuntok umano siya sa likod ng isa pang estudyante na napag-alamang kapatid ng napagsabihang estudyante.
Nabugbog umano ang guro ng magkapatid na estudyante kaya nag-report ito sa pulisya.
Ang dalawang estudyante ay dinala sa social welfare office ng Maco para sa kaukulang disposisyon dahil kapwa menor-de-edad.





Comments