top of page

Tito Sen., ibinulgar na may kabit… “BAKA MAY NAKAIN SI ANJO NA TUMAMA SA UTAK NIYA” — GOMA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 32 minutes ago
  • 4 min read

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | November 7, 2025



SHEET - “BAKA MAY NAKAIN SI ANJO NA TUMAMA SA UTAK NIYA” - GOMA_FB Richard Gomez & Anjo Yllana

Photo: FB Richard Gomez & Anjo Yllana



“Kung nagbibiro s’ya, medyo mabigat ‘yun! Pero kung totoo ‘yun, mabigat din dahil mas maganda sana kung nakapag-usap sila. ‘Di ko talaga alam,” sabay iling “kung ano talaga,” ito ang diretsong sagot ni Leyte 4th District Representative Richard ‘Goma’ Gomez kay Nanay Cristy Fermin sa guesting niya kahapon sa Cristy FerMinute (CFM) show na napanood sa OnePH YouTube (YT) channel.


Hiningan ng reaksiyon ni ‘Nay Cristy ang kaibigan ni Anjo Yllana sa ginawa nitong paninira kay Senate President Tito Sotto na may babae raw ito mula year 2013 at saksi raw siya rito, bukod pa sa sinabing may sindikato sa Eat… Bulaga! (EB!) na programa ng TVJ na malapit nang mag-50 years.


Bago nagtanong ang CFM host ay nagsabi siya na kung hindi ito sasagutin ni Richard ay maiintindihan nila ng co-host niyang si Romel Chika mula sa puso.


Sey ni Goma, “Nu’ng una kong nakita the other day, ‘di ko alam,” na naghahagilap ng tamang termino. 


Dugtong niya, “Honestly, hindi ko alam, Ate Cristy, na totoo ba talaga ‘yun o nagloloko lang s’ya (Anjo)? Hindi ko alam kung nasaan si Anjo, kung totoo ba ‘yun o binibiro lang n’ya si Senator Tito Sotto. Kung nagbibiro s’ya, medyo mabigat ‘yun, pero kung totoo ‘yun, mabigat din ‘yun. Mas maganda sana kung nakapag-usap sila. Hindi ko talaga alam kung ano ‘yung situation.”


Binanggit ni ‘Nay Cristy na umurong na si Anjo, na ibig sabihin ay binawi na nito ang mga pinagsasabi niya, at katwiran niya ay namba-bluff lang daw siya sa pananakot kay Senate Pres. Tito Sotto.


Natawa naman si Goma sa pagbawi ng kaibigang si Anjo, “Kahit ako, nagulat din sa ginawa n’yang ‘yun. Pero ang akin lang, mabait na tao naman si Anjo. Maganda sana na makapag-usap silang mabuti ni Senator Tito Sotto.


“Kung bluff ‘yun, medyo hindi maganda. Kahit ako, hindi ko magugustuhan dahil alam mo, si Anjo, malapit sa puso ko dahil kaibigan natin ‘yan, kaya nagulat ako! Nagulat talaga ako nu’ng pagbukas ko ng Facebook (FB) ko, tapos nagsasalita, aga-aga nito, bagong gising, ah.

“Baka may nakain si Anjo na tumama sa utak n’ya. But you know, let’s wish Anjo the best na sana, magkasundo sila at magkausap sila ni Tito Sen.”


At bilang miyembro ng Kamara ay hindi naiwasang hingan ng komento si Cong. Goma ni Romel Chika kung ano ang pipiliin niya, ang pulitika o showbiz.


“Alam mo, ang problema natin dito sa pulitika, ‘yung mga kalaban natin, aba, talo pa ‘yung mga scriptwriters at direktor ng pelikula, eh,” kaswal na sagot ng aktor-pulitiko.

Sinang-ayunan naman ito nina ‘Nay Cristy at Romel Chika, “Totoo.”


Tuloy ni Richard, “Ang galing magsinungaling ng mga loko na ‘to. Minsan, pagmumurahin mo na lang, eh. Minsan (naisip ko), ‘pag nakaharap ko ‘to, gugulpihin ko ‘to, sigurado. Ganu’n ba? Ang daming sinungaling, so ako, minsan, hindi ko na lang sinasagot, ipinapasa-Diyos ko na lang, ipinagdarasal ko na lang. Sabi ko, ‘Lord, Ikaw na bahala sa mga g*go na ito at mga sinungaling na ito.’


“Unlike sa showbiz, magkakasamaan tayo ng loob, magkakatampuhan tayo, pero ito, may panahon na puwede tayong mag-usap. Kung gusto mo in public, gusto mo nang live, puwede tayong mag-usap. Pinag-uusapan ‘yung totoo at ‘yung tama.”


Tawa naman nang tawa sina ‘Nay Cristy at Romel Chika sa reaksiyon ni Goma sa mga pulitikong sinabihan niya ng sinungaling.




BINI x PENSHOPPE


DAHIL sa kasikatan ng Pinoy pop group na BINI, sobrang busy ng kanilang schedule.


Pero ayon sa miyembrong si Colet, natututo siyang maghinay-hinay, na isang mindset na perpektong sumasalamin sa mensahe ng pinakabagong campaign ng isang lokal na fashion brand na inire-represent niya at ng kanyang mga kasamahan sa BINI.


“‘Yung Cozy Days Ahead, it resonates with me kasi it’s about taking a pause,” sabi ni Colet sa panayam ng Penshoppe para sa Cozy Days Ahead campaign.


Dagdag niya, “Sa panahon ngayon, parang ang pag-pause, hindi siya madaling gawin. Lately, ako po, I’ve been learning to slow down, appreciate slow moments and reconnect. Ipina-practice ko siyang gawin everyday.”


Samantala, bilang artista, ibinahagi ni Colet na nakaka-relate siya sa kampanya sa pamamagitan ng pagtutok sa pagiging totoo.


“Nagre-reflect itong campaign na ito kung saan ako ngayon. Mas focused ako sa pagiging authentic, authenticity, mag-reconnect and... kumbaga, ‘yun ‘yung ipina-practice din namin na ma-resonate namin sa ibang tao,” sabi pa.


Ang grupo na kilala sa mga hit songs na Pantropiko, Salamin, Salamin, at pinakahuling First Luv ay nasilayan ng kanilang mga supporters sa Davao nang dalawin nila ang branch ng Penshoppe at nagkaroon ng pictorial.

Sa parehong panayam, ibinahagi din ng BINI kung ano ang kanilang mga paboritong kasuotan at nabanggit ni Aiah ang knitted tops.


“I own a lot. No joke... parang may own store ako sa place ko kasi parang almost every day, I wear Penshoppe and it’s because it’s so comfortable. Aside sa it’s so comfortable, you look so good wearing it,” sey ni Aiah.


Samantala, ang mga damit na terno ay malakas ang dating sa pinaka-pinuno ng grupo na si Jhoanna.


“Kasi ‘pag may shoot kami, ito na, kukunin. Wala nang isip-isip. Ang ganda ng style.”

Cargo at baggy pants naman ang kay BINI Sheena.

Ang bongga! Bagay na bagay sila sa endorsement na ito.

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page