top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Titans, buhay pa ang tsansa sa semis, Speed Hitters, babawi

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 29, 2022
2 min read

ni Gerard Arce - @Sports | July 29, 2022




Tinapos ng Choco Mucho Flying Titans ang kanilang three-game losing streak sa pagbabalik kumpetisyon ni Kat Tolentino upang tulungang mabuhat laban sa PLDT High Speed Hitters sa makabasag-dibdib na five-set panalo sa 25-21, 25-17, 22-25, 10-25, 16-14 upang manatiling buhay ang tsansa sa semifinal round ng 2022 Premier Volleyball League (PVL) Invitational Conference sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City kahapon.


Ipinaramdam ni Tolentino ang kanyang malupit na atake ng ibuhos ang game-high 27 puntos mula sa 24 atake, 2 blocks at 1 service ace, kasama ang 22 excellent digs upang tulungan ang koponan na umangat ang pwesto sa 2-3 kartada para manatiloing buhay ang tsansa sa semifinals, habang inilaglag sa 3-2 marka ang PLDT katabla ang Army-Black Mamba sa third place.


Sumaklolo ang 27-anyos na Filipino-Canadian galing Ateneo Lady Blue Eagles sa deciding set na lumikha ng 6 na puntos, katulong sina Ponggay Gaston na tumapos ng 9pts at team captain Bea De Leon na may 10pts sa fifth set. Sumegunda naman sa puntusan si Isabel Molde sa 11pts at Cherry Rose Nunag sa 10pts, habang namahagi ng 25 excellent sets si Deanna Wong at double-double ni libero Denden Lazaro-Revilla sa 22 excellent digs at 23 excellent receptions.


Bahagyang bumaba ang lipad ng Flying Titans sa 3rd at 4th set ng manlamig ang opensiba ng mga ito na sinabayan naman ng mainit at matibay na depensa ng High Speed Hitters sa pagtutulungan nina Dell Palomata, Toni Rose Basas at Mika Reyes upang harangan ang mga atake ng Choco Mucho.


Kinakailangang maipanalo ng Choco Mucho ang huling laban nito kontra Petro Gazz Angels sa Sabado, habang susubukang makabawi ng PLDT laban sa semifinal-bound na Cignal HD Spikers sa parehong araw.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page