Tips sa page-ensayo ngayong pandemic, hatid ni Ravena sa online BEST Center Program
- BULGAR
- Sep 18, 2020
- 3 min read
ni Gerard Arce - @Sports | September 18, 2020

Malaking instrumento para sa Milo Sports Clinic na magamit ang social media at online platforms upang patuloy na maihatid sa mga kabataan ang mga programang itinataguyod kahit pa nasa ilalim ng coronavirus disease (Covid-19) pandemic ang bansa.
Ang patuloy na pagpapa-unlad sa grassroots program at pagtulong sa mga kabataan na maapanatili ang pagiging aktibo ng pangangatawan at isipan ang pangunahing adhikain ng Milo Sports Clinic, katulong ang B.E.S.T. Center at iba’t ibang pampalakasan; inihahatid nito ang pagpapalawig ng malusog na pangangatawan, mentalidad at emosyonal na aspeto sa mga kabataan.
Kahit pa man may dinaranas na krisis ang bansa bunsod ng pandemya, nakahanap ng paraan ang BEST Center na gumawa ng mga programa para ilunsad ang Inter-Active Basketball Clinics, Be the Best: Web Cast Forum at Skills Challenge sa pamamagitan ng online zoom classes.
“Naniniwala kami at ng MILO na kahit may lockdown, kailangan ng mga bata na maging active pa rin para maging healthy, both physically, mentally and emotionally. Kaya gumawa kami ng ilang mga programa na magagamit natin kahit na nasa bahay lang gamit ang online platform,” wika ni Monica Jorge, Executive Vice president ng MILO BEST Center,kahapon sa lingguhang TOPS: Usapang Sports sa online-vitual session.
Itinatag ang Basketball Efficiency and Scientific Training or mas kilala bilang BEST Center ng MILO upang maituro sa kabataan ang mga basic fundamentals ng naturang sport ng paggamit ng mga siyentipiko at sistematikong pamamaraan.
Ilan sa mga nagtapos sa BEST Center ay mga kilala at dekalibreng basketball players at icon na kinabibilangan ng magkapatid na Kiefer at Thirdy Ravena, college standouts Shaun at Dave Ildefonso, dating PBA players Cris Tiu at 1989 PBA MVP-Rookie of the Year awardee Benjie Paras. “Dahil pandemic may adjustments kaming dapat gawin. Kung dati bukod sa natututo ka sa actual training, you also able to learn how improve your communication skills dahil sa pakikisalamuha sa ibang bata. But this time, kailangan mo pa rin hasain yung development ang mindset na patuloy na nageensayo at dedicated sa lahat ng ginagawa, na naibibigay ng MILO at BEST center,” pahayag ni NLEX guard Ravena, na inaming naging malaking tulong para sa kanya na madala hanggang sa kasalukuyan ang kaalaman, dedikasyon at pag-uugali ng isang BEST center graduate.
Magsisimula sa Set. 26 habang sa Set. 19 ang BIDA Best na online webcast kung saan maririnig nila ang mga graduates sa 1-hour interview session na ibabahagi ang athletic at life experiences. Panghuli ay ang Skills Challenge na aktuwal nang gagawin ng mga bata ang teknik na natutunan sa court.
Samantala, basketball at volleyball careers muna ang aatupagin nina Ravena at Alyssa Valdez nang matanong kung may plano na ba silang magpakasal, aniya, "Wala pa pong plano hahaha, unstable pa kasi ang nangyayari ngayon. May bigger picture pa na kailangang tingnan. Saka na namin planuhin kapag stable na lahat." Inaanyayahan nila sa bestcenter.inquiry@gmail.com na mag-inquire ang mga magulang na nais ilahok ang anak kung saan ang basketball interactive classes ay twice a week sa 1 oras na session. Sa MILO Philippines Facebook page at ng sports organizers nito sa YouTube channel para sa libreng weekly online sessions.
Bukod sa BEST Center ay kasabay ring nakatutok ang atensyon ng programa sa iba pang sports para sa kampanya ng MILO Homecourt Initiative para sa ilang linggong training program, na bukod sa Basketball at Volleyball ay binibigyan rin ng atensyon ang mga sports mula sa Filipino-native sport na Arnis, Badminton, Football, Karate, at Tennis; habang malapit na rng ilunsad ang Chess, Parkour, Ultimate Frisbee, Table Tennis, at Strength and Conditioning sa tulong ng UP College of human Kinetics.
“Given the new normal, we need to find ways to adopt and to able help to empower our aspiring athletes pursue their dreams, which is why MILO fully supports BEST Centers new program, that further enrich our activities under the MILO Home Court campaign,” wika ni Milo Sports Executive Luigi Pumaren, “The MILO Home Court campaign is our latest effort to help our children continue their champion journey’s at home. So, it offers programs and content for parents to engage their kids discover their love for sports and help them stay active at home,” dagdag ni Pumaren, na anak ni Adamson Head Coach Franz Pumaren.
Komentar