top of page

Fajardo at Cruz ipinatas ang SMB sa 1-1 vs. 5G

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 17
  • 2 min read

ni Anthony E. Servinio @Sports | July 17, 2025



Photo: June Mar Fajardo at Jericho Cruz ng SMB - PBA PH


Laro sa Biyernes - Araneta 7:30 PM SMB vs. TNT


Kinalimutan ng San Miguel Beer ang mapait na nakaraan at tinalo ang TNT Tropang 5G, 98-92, sa Game Two ng 2025 PBA Philippine Cup kagabi sa Araneta Coliseum.


Tabla na ang seryeng best-of-seven sa 1-1 patungo sa mahalagang Game 3 ngayong Biyernes sa parehong palaruan.        


Matapos maging sentro ng kontrobersiya sa Game 1 noong Miyerkules, bumawi si Moala Tautuaa at ipinasok ang paniguradong buslo para maging 98-88 at 36 segundo sa orasan. Matatandaan na binawi ang huling shoot ni Tautuaa para maging daan sa 99-96 panalo ng TNT.


Mula sa huling tabla na 77-77 ay kumalas ang Beermen sa likod nina Jericho Cruz at June Mar Fajardo. Tinuldukan ito ng three-point play ni Don Trollano, 83-77, at siyam na minuto ang nalalabi.        


Lalong uminit si Trollano at bumanat ng tres, 92-82, at apat na minuto sa orasan. Patuloy na nagbanta ang Tropa sa likod nina Kelly Williams at Glenn Khobuntin subalit kinapos ito.        


Nagsumite ng 12 ng kanyang 22 puntos sa huling quarter si Trollano para mapiling Best Player. Bilang estratehiya, inupo ni Coach Leo Austria si Fajardo sa huling 48 segundo at nagtapos na may 17 habang 16 si Tautuaa.          


Nanguna sa TNT si Calvin Oftana na may 23. Sumunod si Heading na may 15, Williams na may 11 at 10 kay Brandon Ganuelas-Rosser.          


Gumawa ng anim lang si Game 1 Best Player Roger Pogoy. Lumamang ang SMB, 51-38, bago magsara ang pangalawang quarter.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page