Tip para masabing pang-forever na… SLATER: ALAM MONG SIYA NA 'PAG 'DI KA NA NAGHAHANAP NG IBA
- BULGAR

- Feb 26, 2024
- 1 min read
ni Angela Fernando - Trainee @News | February 26, 2024

Inulan ng papuri't puna mula sa mga netizens ang mag-asawang social media personalities na sina Slater Young at Kryz Uy dahil sa bagong episode ng kanilang podcast na "Skypodcast".
May ibinahagi kasing hot take si Slater tungkol sa kung pa'no malalaman ng isang tao kung ang partner na talaga niya ang kanyang magiging end game.
"They asked me, 'Pa'no mo nalamang s'ya na?' There's a lot of more aspects about being ready to get married, but the question was, 'Pa'no mo nalaman na s'ya na talaga?' And I think, I answered, 'Because I was ready.' I forgot," pagbabahagi ni Slater.
Dagdag n'ya, "But—I got asked this question again two days ago. When our friends from Manila came here, and then 'yung sinagot ko, which I think is more accurate and a lot simpler to digest is 'Alam mong s'ya na 'pag hindi ka na naghahanap ng iba.'"
"Aw, sana naman!" wika ni Kryz.
Maraming kinilig sa ibinahaging sagot ni Slater ngunit marami rin ang nagsabing choice pa rin, at the end of the day, ang pagpili nang paulit-ulit sa 'yong makakasama sa buhay.





Comments